^

PSN Showbiz

Dingdong at Nancy?, ayaw ni Tanya ng ganyan!

- Veronica R. Samio -
Sa isang recent interview, nadulas si Dingdong Dantes na sabihin na kung wala siyang girlfriend ay liligawan niya ang napakaganda pero napaka-simple niyang ka-loveteam sa Sana ay Ikaw na Nga (SAINN) na si Tanya Garcia.

Marami ang nagtataka kung bakit sa mag-iisang taon nilang pagtatambal sa nasabing teleserye ay walang namamagitan sa kanila. Pareho naman silang libre. Wala raw boyfriend si Tanya bagaman at marami siyang suitors. Split na naman si Dingdong kay Antoinette Taus although marami ang kumokontra rito dahil nakikita pa rin silang magkasama.

Lately, ay marami ang nagli-link kay Dingdong sa isa niyang co-stars sa SAINN na si Nancy Castiglione pero, palagi ay nalulusutan niya ang maraming pangungulit sa kanya ng press. Pero, isang auto accident ang kinasangkutan ni Nancy recently ang muling nagpatibay sa hinala ng marami na may namumuong relasyon sa aktor at sa Canadian-Italian star. Dahil narun si Dingdong sa scene ng accident.

"Hindi kami magkasama ni Nancy," ang pagtanggi ni Dingdong. Magkasabay lamang ang aming mga sasakyan, nang pumutok ang gulong ng sasakyan niya sa highway, nang pauwi na kami from a taping. Syempre, bumaba ako at tinulungan ko siya. People concluded na magkasama na kami," dagdag na paliwanag ni Dingdong. Nancy’s ex, Lucky Manzano also arrived at the scene nang umabot sa kanya ang balita.

Samantala, patuloy na nagiging matatag ang tambalan nina Dingdong at Tanya. Bukod sa SAINN, mayroon silang movie na gagawing magkasama sa Viva.
*****
Masarap palang mag-taping ng Morning Girls. Kahit medyo nag-aalala ako dahil inabot yata ako ng apat na oras sa ABS CBN (kasama na rito ang paghihintay, pagpapa-make-up at taping per se ng show), it was worth my time dahil masaya ang episode na nasalihan ko na, incidentally, ay mapapanood daw ngayong umaga.

Outside of the show, sa mga presscons nila na naimbitahan ako, I thought suplada sina Zsazsa Padilla at Carmina Villaroel, hindi pala, napaka-charming nilang hosts at kahit na maraming natanggap na instructions from production ay nagawa pa kaming asikasuhin nina Letty Celi, Pilar Mateo at Julie Fe Navarro. O baka naman nag-mellow lang si Carmina dahilan sa bago niyang status sa buhay (annulled from Rustom Padilla and the current love of Zoren Legaspi and mother to his twins) at si Zsazsa naman ay binago na rin ng panahon. Pero, talagang maasikaso sila sa amin at maging sa kanilang audience.

Without Kris Aquino and Pops Fernandez, mas may confidence si Zsazsa, maliksi sa kanyang galaw at kita mo na masaya sa kanyang ginagawa. Komportable sila ni Carmina at parang adjusted na sila sa isa’t isa, at maging sa kanilang kasamang Morning Boy na si Ryan Agoncillo. I was told na mas dumami ang mga bagets na nanonood sa studio simula nang mapasama si Ryan sa show.

Ibang episode yung nasalihan ko. Hindi kami ini-interview. Instead, nag-join kami sa fun games, showbiz quiz show, ala- Family Feud and Surveyvor games at presscon on show na kung saan ay dalawang feuding sex bombs ang inaasahang mag-aaway, mag-iiyakan at magpapatawaran pero, hanggang sa makatapos ang show ay hindi pinatawad ni Sabrina M. ang kanyang friend of five years na si Katrina Paula.

Simpleng tsismis lamang ang ugat ng kanilang problema.

vuukle comment

ANTOINETTE TAUS

CARMINA

CARMINA VILLAROEL

DINGDONG

DINGDONG DANTES

FAMILY FEUD AND SURVEYVOR

JULIE FE NAVARRO

KATRINA PAULA

LETTY CELI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with