Kris favorite bird: Kulasisi!
August 24, 2002 | 12:00am
May ilang schoolmates pala si Maui Taylor na tinatarayan siya everytime na nagpupunta siya sa campus (hindi puwedeng i-mention ang name ng school). Pero dedma lang si Maui dahil mas marami namang nagsasabi na panonoorin nila ang Gamitan - her launching movie with Jordan Herrera and Wendell Ramos na nag-open sa more than 40 Metro Manila theaters last Wednesday. "Hindi na lang ako nagri-react sa kanila," she said sa victory party for the said movie.
May ilan kasing kontra sa decision niyang mag-bold at feeling ng ilang schoolmates niya, cheap ang ginawa niya. Pero wala siyang regret lalo na ngayong box-office ang movie.
Anyway, three weeks from now, darating ang British father niya para bisitahin sila. Landscape architect ito ron. Very much intact ang family nila contrary sa report na hiwalay ang parents niya. According to Roger Parajes, may ilang nagsasabi na hindi naman totoong British ang father niya. "May mga documents akong puwedeng ipakita kung sinong father ko. Saka darating siya, so makikita nila," she said.
Feeling niya, hindi kayang panoorin ng father niya ang Gamitan. "Pero bibigyan ko siya ng copy," she averred. Kung ang parents niya lang daw kasi ang masusunod, hindi raw ito favor sa pagpasok niya sa showbiz. Pero wala silang choice dahil since bata siya, dream na niyang maging artista.
Hibla ang next project niya with Rica Peralejo and Ricky Davao. Nag-first shooting day na ang movie. May kissing scene sila ni Rica. "Hindi ko alam kung ready na ang Filipino audience sa ganitong pelikula," she said.
Ang director ng Gamitan ang nagsulat ng script ng Hibla sa direction ni Yam Laramas.
Hanggang next week pa showing ang Gamitan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended



















