^

PSN Showbiz

Pista'y Dayat ng Love Radio

-
Dalawa sa upcoming recording artists ng Ivory Recording Corp. ay makikipagsaya sa mga taga-Dagupan City kaugnay sa isiniselebrang Pistay Dayat na kilalang festival sa rehiyon. Ito’y sina Teresa Morales at Jay B na parehong panauhin ng Love Radio sa naturang lungsod.

Si Bb. Morales ay muling nagpasikat ng awiting "Kumusta Ka" ni Freddie Aguilar. Ang 19-year old na dalaga mula sa Dumaguete City ay kararating lang mula sa Vancouver, Canada kung saan siya ay nag-recording ng album para sa isang international release long playing album.

Samantala, si Jay B ay isang Ilocano guy na kararating lang din mula sa Los Angeles, California kung saan siya naman ay nag-recording ng kanyang album na ngayon ay ni-release ng Ivory Records.

Kanyang pinasisikat naman ang kantang "Larawan" na sarili niyang komposisyon at nakapaloob sa album niyang "Awit ng Pag-ibig, Jay B" na ngayon ay nasa market na.

Si Bb. Morales ay mayroon ngayon bagong single na ang titulo ay "Ang Boyfriend Kong Alien" na komposisyon naman ng institusyong si Nonoy Tan. Ang nasabing novelty song ay nakapaloob sa album ng dalaga na pinamagatang "Kumusta Ka, Teresa Morales" na ngayon ay mabibili na rin sa buong kapuluan.

Ang Love Radio Dagupan ay nasa pamamahala ni Noel Sibayan bilang station manager at isang istasyon ito ng Manila Broadcasting Company (MBC). — Junne Quintana

vuukle comment

ANG BOYFRIEND KONG ALIEN

ANG LOVE RADIO DAGUPAN

DAGUPAN CITY

DUMAGUETE CITY

FREDDIE AGUILAR

JAY B

KUMUSTA KA

SI BB

TERESA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with