^

PSN Showbiz

TV host' di pinakawalan ng bold star!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa isang sikat na club (VIP room) nakita ng bold star ang kanyang iniidolong TV host na talaga namang napakalakas ng sex o animalistic appeal. Matagal na niya itong idolo at minsan nga ay nangangarap na sana ay maikama siya nito. Puro pantasya na lang ang nangyayari sa seksing aktres.

Hanggang isang araw ay nagkita ang dalawa at hindi na niya pinakawalan ang pagkakataon. Pinilit niyang akitin ang guwapong TV host at nang gabing yon ay naganap ang milagro. Sabi nga ng TV host ay lalaki lang siya at sino naman ang tatanggi kapag palay na ang lumalapit sa manok.

Palaban talaga ang aktres at panay ang bulong nito sa lalaki. Nang wala nang tao sa VIP room ay pinaupo ni boldie ang TV host sa mesa at biglang dinakma ang bahaging nasa pagitan ng dalawang hita nito. Natural nag-init ang lalaki at binuksan ang zipper ng pantalon nito at sumubsob dito ang aktres ayon sa aking kaibigang source. Matagal-tagal din yon at nang mag-init na si boldie ay paupo siyang kumandong sa TV host. Natupad sa wakas ang pangarap ng seksing aktres na makaromansa ang matagal nang pinapangarap na TV host.

Kontrobersyal ang sexy star at na-link ito sa isang sikat na matinee idol ng isang major company samantalang ang TV host ay sikat din at araw-araw na napapanood sa telebisyon na kakaiba ang tema ng kanyang programa.
May Bagong Manliligaw Si Angelu
Balitang madalas kasama ngayon ni Angelu de Leon ang anak ni Gov. Chavit Singson na palagay ng iba ay masugid niya itong manliligaw. Nadadalas din daw dumalaw sa Ilocos Norte ang aktres ayon pa sa aming source.

Kung mali-link naman siya sa iba ay mas mabuti pang sa anak na lang ni Chavit siya mapunta dahil wala itong sabit at halos magkasing-edad lang sila.
Magagaling Ang Lahat Na Artista
Maaga na ako kung umuwi ng bahay araw-araw at pagdating ay nasisimulan ko nang panoorin ang Monica Brava at tuluy-tuloy na ito hanggang sa Kung Mawawala Ka. Ang gagaling ng mga artista sa said soap opera mula kay Eddie Garcia na gumaganap na gobernador hanggang sa kontrabida at bida. Bagay ang role ng bawat karakter at super kaiinisan si Princess Punzalan at kaaawaan naman ang mabait na si Hilda Koronel bilang the other woman sa buhay ni Eddie Garcia at ina ni Sunshine Dizon.Mabilis ang pagtaas ng rating nito–pagpapatunay lang na kapag maganda ang daloy ng istorya ay tiyak na kakagatin ito ng mga tao.
Isa, Pinarangalan
Saludo ako kay Isabel Granada dahil kahit abala sa mga showbiz commitment ay nakapagtapos pa rin ng pag-aaral. Bukod sa pagtanggap ng diploma sa kursong Aeronautical Engineering ay pinarangalan din ang aktres at pinagkalooban ng PATTS ng Sterling Wings Achiever dahil sa kabila ng pagiging busy bilang artista ay nakuha pa rin niyang magtapos ng pag-aaral at magsilbing magandang halimbawa sa mga kabataan.

Tuwang-tuwa si Mommy Guapa dahil hindi nasira ang pangako sa kanya ng kanyang unica hija na makatapos. Stable pa rinang relasyon ni Isa at ng baguhang singer na si Geryk Genaski.

Ngayong tapos na sa pag-aaral ang magandang aktres ay magiging mapili ito sa kanyang proyekto at mas gustong sumabak sa drama kaysa magpa-sexy. Kapag may panahon ay kukuha rin siya ng units para maging ganap na piloto.
Judy Ann, Tuloy Ang Pagwo-Work-Out
Gandang-ganda ako kay Judy Ann Santos at na-maintain din niya ang magandang pangangatawan. Ayon sa aktres, ibayong sakripisyo ang ginawa niya at ginagawa pa para mapanatiling sexy. Kontrolado rin ang kanyang pagkain at binabawasan ang pagkain ng karne.

Enjoy ngayon sa pagta-taebo at pagbo-boxing si Juday. Sinasabayan pa niya ito ng Yoga at meditation. Hindi naman niya inaalintana ang hirap sa pagda-diet at pagwo-work-out dahil kapag nakakarinig siya ng magandang papuri tungkol sa katawan ay nawawala ang kanyang pagod. Ang ideal na 105 lbs. ay nakamit na niya na bumagay naman sa kanyang height na 5’4".

Tinatapos na ni Juday ang pelikulang Akala Mo na dating may pamagat na Bakit Ngayon Ka Lang na pinagtatambalan nila ni Dingdong Dantes.
Richard, Payag Maging Bading
Kahit walang home studio si Richard Quan ay ratsada naman siya sa paggawa ng pelikula. Versatile rin siyang aktor at kahit anong role ay kaya niyang gampanan huwag lang yung sexy movie na may frontal nudity. Hindi niya ito kayang gawin. Kasalukuyan niyang sinu-syuting ang Virgin People 3 after Eskandalosa under FLT Films. Paborito siya ni Mommy Rose Flaminiano kaya lagi siyang kasama sa mga proyekto ng FLT.

May offer kay Richard para gumanap na bading na kailangan niyang makipaghalikan sa kapwa lalaki. Payag naman siyang gampanan ang role dahil doon nga masusukat ang galing umarte ng isang tunay na lalaki. Ang mahalaga ay matino ang proyekto at mahusay ang direktor.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nagpapakasal ang aktor dahil gusto niyang maging matatag muna ang kabuhayan bago pumasok sa buhay may asawa.

vuukle comment

AERONAUTICAL ENGINEERING

AKALA MO

AKTRES

BAKIT NGAYON KA LANG

CENTER

EDDIE GARCIA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with