^

PSN Showbiz

Back to back comedy sa ABC 5

-
Patatawanin kayo at aaliwin ng dalawang magkasunod na comedy show, Friends at That 70’s show ngayong Miyerkules ng gabi sa ABC 5.

Alam n’yo ba kung anong mangyayari sa Friends sa susunod nitong episode? Malalaman ni Ross na ang kanya pa lang Doctoral Thesis ay nasa library ng NYU. Nang kanya itong bisitahin, nalaman niya na nakalagay pala ito sa pinakasulok ng library kung saan maraming magkasintahan ang pumupunta para maglambingan.

Pagkatapos ng Friends ay mapapanood naman ang That 70’s show, ang true original comedy show na tinatalakay ang masaya at magulong buhay ng Forman family kasama ang kanilang mga kaibigan at kapitbahay sa era ng "sex, drugs and rock & roll". Ang palabas na ito ay talaga namang nakakatawa dahil ang tema nito ay base sa pangkaraniwang pamilya kaya nakaka-relate ang mga nanonood dito. Ang mangyayari sa susunod na episode ay ang birthday ni Eric. Alam ni Eric na nagpaplano ang kanyang ina ng surprise party sa birthday niya ngunit ayaw niyang maging parte nito. Si Donna naman ay obsessed tungkol sa pagbili ng perpektong regalo para kay Eric. Samantalang si Kelso ay umiibig sa sister ni Eric, si Laurie, na umuwi galing sa kanyang pag-aaral sa college. At si Red naman ay pinipilit na umuwi si Kitty mula sa party para naman may privacy ang mga magkakaibigan.

Hay naku, talagang kwela ngayong Miyerkules ng gabi sa ABC 5 kaya pagpatak ng alas-otso’y medya, tutok na sa ABC 5 para naman maging masaya ang gabi ninyo.

vuukle comment

ALAM

DOCTORAL THESIS

FORMAN

KELSO

LAURIE

MALALAMAN

MIYERKULES

NANG

PAGKATAPOS

SI DONNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with