^

PSN Showbiz

Naniniwala ba kayo sa anghel?

- Veronica R. Samio -
Ito ang buod ng kasaysayan ng pelikula ng Asia Manhattan Films Inc. na hindi pinalad na mapili para mapasama sa "Magic 7" ng hanggang ngayon ay ginaganap pa ring Metro Manila Film Festival. Sayang dahilan sa pambata (pampamilya) ang pelikula na binigyan ng MTRCB ng rating na GP. Nabigyan sana ng isa pang choice ang mga bata sa klase ng pelikula na pwede nilang panoorin. As it is, iisa lamang ang pelikula para sa kanila, ang Bahay Ni Lola na kasalukuyang namamayani sa takilya ngayon.

Bagaman at kasama sa cast sina Bobby Andrews, Joko Diaz, Sunshine Dizon at ang baguhang si Joanna Gonzales, sa mga bata naka-focus ang istorya, specifically sa limang mga batang lansangan, ulilang lahat at parang isang pamilya na sama-samang naninirahan sa isang nasunog na gusali na nakatirik sa lupa na pag-aari ng dalawang magkapatid na babae, sina Alma (Sunshine ) at Esperanza (Joanna). Pinaka-matanda sa grupo si Sharmaine (Shaina Magdayao), katulong sa isang karinderya. Ang apat pang bata ay mayroon ding pinagkakakitaan. Nagtitinda ng Sampaguita si Roselle, ang batang nakakakita at nakakakilala ng anghel. Taga-deliber naman ng pagkain sa mga opisina sina Darren at Clarisse at si Bitoy ay watch and wash your car boy.

May problemang mailit ang lupa sapagkat hindi ito nababayaran ng buwis. Kapag nangyari ito mawawalan ng tirahan ang mga bata. Dito papasok para tumulong si Atty. Paredes (Bobby) na bigla na lamang dumating sa buhay nilang lahat. Bigla rin ang pagdating ni Jerry (Joko), isang sanggano na simula nang iligtas si Esperanza sa rape ay ginawa nang protektor nito ang kanyang sarili.

May nag-iinteres na milyonaryo sa lupa sapagkat lingid sa kaalaman ng lahat ay may mga ginto na nakabaon dito pero, pipigilan ng dalawang lalaki ang lahat niyang pagtatangka.

Maaaring hindi sina Bobby, at lalo na si Joko, ang tipo ng anghel na nasa isip natin pero mga anghel ang role nila sa pelikula na isinugo ng Diyos sa lupa.

Nang maging matagumpay ang kanilang misyon, hiniling nila kay St. Michael the Archangel na gawin na silang totoong mga tao. Pumayag naman ito pero, isa lamang sa kanila ang mapagbibigyan. Sino ang magiging totoong tao at sino ang mananatiling guardian ng tao sa mundo?

Abangan ang Mga Batang Lansangan.. . Ngayon na tinatampukan din ng mga child stars na sina Shaina Magdayao, Monica Shy, Monique Ferrer, Karen delos Santos, MJ Maranan, Mark Wilson at Aisen Bayubay. Palabas na simula Enero 4 sa mga sinehan.

AISEN BAYUBAY

ASIA MANHATTAN FILMS INC

BAHAY NI LOLA

BATANG LANSANGAN

BOBBY ANDREWS

ESPERANZA

JOANNA GONZALES

JOKO

SHAINA MAGDAYAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with