^

PSN Showbiz

Pagkatapos kay Jomari, kina Carlos at Ogie naman inili-link si Ara

-
Ipinasagot namin kay Ara Mina ang dalawang isyung sangkot ang pangalan niya. Ang tungkol sa diumano’y pagreregalo niya ng relos kay Jomari Yllana at ang pagkaka-link niya sa kasamahan niya sa Bubble Gang na si Ogie Alcasid at ang tungkol sa kanila ni Carlos Agassi.

Ano ba talaga ang totoo sa relos na worth P70,000 na iniregalo niya raw kay Jomari? "Sa sitwasyon ko ngayon na kailangang kailangan ko ng pera, hindi ko uunahin na bumili ng relos para iregalo lang sa isang lalaki. Mas marami akong dapat paggamitan ng pera ngayon dahil nagsisimula na ‘yung construction ng restaurant ko sa Timog.

"Ngayon nga, ultimo piso ay mahalaga sa akin. Hindi ako basta-basta nagwawaldas ng pera. At saka hindi ko ugaling magbigay ng regalo sa lalaki. Baligtad ata ‘yon?

"Ang alam ko, dapat ang babae ang nireregaluhan, hindi ang babae ang nagreregalo. Do’n pa lang, sablay na, di ba? "Halatang meron lang gustong siraan ako at pagmukhaing cheap ang image ko," lahad pa niya.

Medyo delikado ang sunod na isyung itinanong namin kay Ara. Tungkol ito sa isang blind item na tungkol sa kanila ni Ogie. Nagkaro’n daw sila ng short-lived love affair?

"Of course, that’s not true," paglilinaw agad niya. Nagsimula kasi ‘yan nu’ng birthday party ni Ogie. Kumanta kami ni Ogie ng "Bakit Ngayon Ka Lang" tapos nagsimula na kaming tuksuhin. ‘Yon lang ang natatandaan ko tapos may mga naglabasan ng kung anu-ano.

"Bigyan ba ng ibang kahulugan ‘yung pagdu-duet namin? Bakit pag iba ang ka-duet ni Ogie, halimbawa, si Jaya, ba’t hindi nila iniintriga o ginagawan ng isyu? Bakit ako ‘yung pilit nilang hinahanapan ng isyu." (Ulat ni Leo Bukas)

vuukle comment

ARA MINA

BAKIT

BAKIT NGAYON KA LANG

BUBBLE GANG

CARLOS AGASSI

JOMARI YLLANA

LEO BUKAS

NIYA

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with