Ogie's 'Movie Moments'
March 3, 2001 | 12:00am
Ilulunsad na ni Ogie Alcasid ang kanyang bagong plakang pinamagatang "Movie Moments" ngayong Linggo, ika-4 ng Marso. Ito ay isang collection ng classic movie theme songs na pinagsama-sama ni Ogie at ng MCA-Universal. Nakabahagi dito ang awiting isinulat ni Ogie na pinamagatang "Kailangan Ko’y Ikaw" na pinasikat ng pop diva na si Regine Velasquez at ginawa pang isang box-office na pelikula noong nakaraang taon. Kasama rin dito ang mga ibang awiting theme song tulad ng "Moment By Moment," "Ready To Take A Chance Again," "What Would They Say?" "For All We Know," "It Might Be You." Ang isa pang bonus treat ng album na ito ay ang pagkasali ng minus one or karaoke versions sa bawat CD or cassette na mabibili. May free lyrics booklet pang kasama. At ang CD ay mabibili sa special price na P250.00 lamang.
Aawitin ni Ogie ang mga kanta mula sa album na ito sa kanyang Sunday noontime musical TV show, S. O. P. at patuloy niya itong ilulunsad sa Tower Records sa Glorietta Makati bukas Linggo, ika-4 ng Marso at 4 p.m. Bukod dito, pupunta din si Ogie sa Tower Records Robinson’s Place Malate sa Miyerkules, ika-7 ng Marso, 4 p.m. at sa Tower Records Alabang Town Center, sa Sabado, ika-10 ng Marso at 5 p.m. Mamimigay si Ogie ng mga espesyal na gift items tulad ng post card, posters at t-shirt para sa mga bibili ng kanyang latest album.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended