^

Punto Mo

Forestation sa Denmark, gagayahin ng Pinas!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Pinalawak ng Million Trees Foundation Inc. at Poul Due Jensen Grundfos Foundation ng Denmark ang kanilang kooperasyon sa pagtatanim ng punongkahoy sa Pinas at iba pang lugar. Sa nakaraang dalawang taon, umaabot na sa P1.4 milyon ang suporta ng Grundfos Foundation sa iba’t ibang proyekto ng MTFI sa Million Tress Nursery at sa Eco Learning Center. Hindi lang ‘yan, dito sa Pinas, ang Grundfos Philippines, sa liderato nina Director Josephine de la Cerna at Bobby Fraga ay nagsusulong ng proyektong tinawag na 9150 Cares Groes Green, kasama ang MTFI.

Naka-focus sila sa pag-procure at pagtanim ng seedlings/saplings ng fruit bearing trees sa loob ng tatlong taon. Kasama na rito ang proseso sa reforestation o rehab na kailangan sa loob ng isang taon, re-bagging of seedlings at maintenance, operation at information campaign upang suportahan ang MTFI project. Eh di wow! “We are hopeful that the strong partnership between the two foundations continues to endure and prosper through the years,” ani MTFI president Mel Velasco.

Halos 57 Community Engagement Grants na nagkakahalagang DKK225 million ang ­ipinamahagi ng Grundfos Foundation sa local causes sa buong mundo, kasama na ang ­fighting plastic pollution sa Vietnam; suporta sa pagtanim ng kahoy sa Pinas, at Urban Journey for Distant Mountainous areas students sa China. Ito ay nakasaad sa kanilang 2024 annual report na pinamagatang “A Global Force for Good.” Bilang pangunahing pump company, itinatag ni Grundfos founder, Poul Due Jensen, ang foundation noong May 19, 1975 na ang primary goal ay magsilbi sa best interest ng sociedad upang mapakinabangan ng kasunod na henerasyon.

Ayon kay Director Jesper Richter Rasmussen ang main purpose ng Grundfos Foundation ay hindi lang suportahan ang healthy economic growth at development, kundi upang mag-donate ng pondo para sa mahalaga at marangal na pagkakawanggawa na proyekto, aktibidad at pamumuhunan. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dumalaw si Velasco at iba pang MTFI officials sa headquarters ng Grundos Foundation sa Bjerringbro, Denmark kung saan sinalubong sila ni Jesper at dalawang pang opisyales nito. Ayon kay Velasco, madami s’yang natutunan sa briefing na isinagawa nina Jester at foundation’s Secretariat Portfolio Manager Martin Skovrup Bertelsen, lalo na kung paano nagsimula ang kompanya noong 1945 hanggang sa maging global brand na ito na may 21,000 na empleado. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Habang nasa Denmark, nagkaroon din ng panahon si Velasco at mga kasama na makadahop-palad sina Formand Lars Heiselberg Vang Jensen at CEO Kim Nielsen ng Growing Trees Network Foundation. Ang nasabing organisasyon ay nasa forefront sa pakikibaka vs global warming sa pamamagitan ng tree planting at local partner ito ng Poul Due Jensen Foundation. Kasama nito ang goals ng MTFI sa tree planting initiatives upang protektahan ang drinking water, paglunsad ng recreational spaces o park at pagtulak ng dioversity.

Ang highlight ng pagbisita ni Velasco at MTFI officials ay ang pagtanim ng 30 saplings ng European Beech (Fagus Sylvatica) na isang bantog na species sa Denmark, sa kalapit bayan ng Bjerringbro na Viborg. Kung sabagay, hinikayat ng Denmark government ang mga residente na magtanim ng kahoy sa idle lands upang maging gubat ito , ang polisiya na gagayahin sa Pinas. Abangan!

MILLION TREES FOUNDATION INC.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with