^

Punto Mo

Tres Queridas (5)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MATAPOS makita ang tatlong cell phone sa bag ni Carlo, mabilis na hinablot ni Celeste ang mamahaling foldable smartphone. “Ito ang gamit niya sa pag-contact sa akin. Ako ang nagregalo nito sa kanya.” Mahilig sa mamahaling gadget si Carlo kaya ito ang niregalo ni Celeste sa asawa.

“Iyan naman ang gamit niya sa bahay namin,” mahinahong turo ni Diana sa lumang smartphone. Kilalang-kilala ni Diana ang lamat sa screen nito. Hangang-hanga pa nga siya sa kanyang mister dahil kahit basag na ang screen nito ay ayaw pa rin nito magpalit ng cell phone.

“At ‘yang maliit at makalumang cell phone... ‘yan ang ginagamit niya kapag tumatawag sa akin,” umiiyak na sabi ni Lani. Madalas biruin ni Lani si Carlo dahil de-keypad pa rin ang cell phone nito. Ang paliwanag kasi nito ay hindi siya ‘techie’ o marunong sa mga maka­bagong gadgets.

Nagkatinginan ang tatlong babae sa gitna ng maingay at magulong terminal. Wala na sa kanila ang nakakapag-isip nang maayos dahil sa mga nangyayaring rebelasyon tungkol sa kanilang asawang si Carlo.

“Sumama kayo sa akin,” utos ni Celeste. Hinawakan niya nang mahigpit ang mamahaling shoulder bag. “We cannot talk here. Maraming tao. At kailangan nating buksan ang mga teleponong ‘to.”

“Saan tayo pupunta?” tanong ni Diana, habang pilit na inaalayan si Lani na patuloy sa paghikbi.

“Sa kotse ko. May driver ako sa labas,” sagot ni Celeste. “At kailangan nating malaman kung sino ba talaga si Carlo.”

Tahimik na sumunod sina Diana at Lani. Pagpasok sa loob nang malaking luxury SUV ni Celeste, bumalot ang napakatinding katahimikan. Walang gustong magsalita habang binubuksan nila ang power button ng kani-kanilang hawak na telepono.

Pindot ni Diana sa basag na smartphone: humingi ito ng 6-digit passcode. Ganun din ang kay Celeste at Lani.

Inilagay ni Celeste kanyang birthday sa phone: WRONG PASSCODE. Inilagay naman ni Diana ang kaarawan ng kanyang anak na si Mateo: INCORRECT PASSCODE. Ginamit din ni Lani ang kaarawan niya sa keypad phone: PIN CODE ERROR.

Huminga nang malalim si Diana habang nakatitig sa screen ng telepono. “Hindi ang mga kaarawan natin ang password...” bulong niya. “May iba pa siyang itinatago sa atin.” (Itutuloy)

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with