^

Punto Mo

Kalbaryo ng mga mangingisdang Pinoy sa WPS, tumitindi

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dapat marahil ay may alternatibong paraan ang pamahalaan para matulungan ang mga mangingisdang Pinoy na naapektuhan nang sinasabing pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Hindi dapat puro pangako na hindi sila nag-iisa, dapat maipakita sa gawa.

Sila kasi (mga mangingisda) ang tunay na nakakaalam ng kanilang kinakaharap na sitwasyon sa tuwing maglalayag sa karagatan.

Kung saan nandoon ang pangamba at takot sa mga banta ng China na huhulihin at ikukulong ang mangingisda sa umano’y kanilang inaangking teritoryo.

Hindi nga ba’t kamakailan ay pinawi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pangamba ng mga mangingisda na iginiit na ang Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc ay bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas at ang mga Pilipino ay hindi dapat harangin at i-bully ng mga Chinese sa sarili nating teritoryo. Ang mensahe ay ipinarating sa mga mangingisda sa Zambales.

Igiiit pa ni Romualdez na poprotektahan ng pamahalaan ang mga mangingisdang Pinoy.

Maganda ang naturang mensahe, pero ang di’ kainaman na nasasagupa ng mga mangingisda sa tuwing sila ay maglalayag.

Wala naman silang kakayahan para maipagtanggol ang sarili sakaling harangin at i-bully ng China.

Nakakalungkot din ang ulat na pinalilitaw ng China sa kanilang ginagawang ‘barter trade’ sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc dahilan ang katotohanan ay kinukumpiska ang huling mga isda at iba pa ng mga mangingisdang Pinoy na pinapalitan ng kundi man pa-expired na ay expired o nabubulok nang mga noodles.

Ang mga ganitong ulat ay huli nang nakakarating sa mga awtoridad, nangyari na ang pangyayari kung kaya hindi masisisi ang mga mangngisda na matakot ang mangamba.

Ang ilan dyan sigurado ayaw nang maglayag dahil sa tensyon.Apektado na ang kabuhayan.

Makakatuong ng malaki kung may pansamantalang tulong o ayuda ang pamahalaan sa mga mangingsidang apektado ng tensyon sa WPS.

Pero higit nga sa lahat dapat na masolusyunan na problema sa WPS nang makabalik na sa normal na pamumumuhay at makalayang makapangisda ang ating mga kabababayan sa sarili nating teritoryo.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with