^

Punto Mo

Panganib ng AI, nararamdaman

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

UNTI-UNTI nang nararamdaman ang panganib ng Artificial Intelligence o AI sa maraming aspeto.

Hindi nga ba’t maraming media personalities at ilang celebrities ang nagreklamo na rin sa mga awtoridad tungkol sa paggamit sa kanilang mukha, sa kanilang boses na nag-eendorso ng mga kung anu-anong produkto sa social media.

Wala umano silang kaalam-alam dito, at ang masaklap, marami ang napapaniwala na sila nga ang nag-eendorso sa mg produktong ito.

Abay sa pamamagitan nga ng AI ay talagang aakalain mo sila nga ito. Mula sa gesture, buka ng bibig at boses kuhang-kuha talaga.

Endorsement pa lang yan, ang masaklap ay kung ang mga lider na ng bansa ang gawan ng ganito. Kamakailan ay nireklamo sa PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ng isang pribadong grupo ang mga nasa likod ng deepfake video na layong siraan ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasong paglabag sa Article 154 ng Revise Penal Code in relation to Anti-Cybercrime Law ang isinampa ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI), sa pangunguna ni Dr. Michael Raymond Aragon, ang chairperson ng grupo, kasama si Atty. Anna Tan.

Matatandaan na una nang nagbabala ang Malacanañg sa publiko sa deepfake video kung saan maririnig ang boses ni PBBM na nagbibigay ng pekeng pahayag.

Sinabi rin ng Presidential Communication’s Office na minanipula ang video at nagawa ito sa pamamagitan ng Artificial Intelligence.

Malinaw umano na may “present danger “ sa demokrasya ng bansa, ayon kay Aragon.

Ayon pa kay Aragon, dapat mapanagot ang mga responsable sa video dahil may implikasyon sa national security ang pagpapakalat ng pekeng balita na maaaring makaimpluwensya ng paniniwala.

Marami umano ang hindi nakakaalam sa teknolohiya na kayang pekein ang isang tao.

Kaya nga ng marapat ngayon maging alerto at mapanuri

hindi dapat agad naniwala.

Kailangang nging maingat nang huwag mabiktima ng mg pekeng impormasyon gamit ang ganitong uri ng teknolohiya.

vuukle comment

ARTIFICIAL INTELLIGENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with