‘Tutok’ (Huling bahagi)

GABI. Pasado alas onse ng gabi. Nasa Quezon Avenue ako nang makita ang pagpara ng isang lalaki. Maayos naman ang damit ng lalaki kaya wala akong hinala na isa itong holdaper.

“Saan ka po Sir?’’ tanong.

“Fairview!’’ sagot ng lalaki.

Tatanggihan ko sana dahil malayo ang Fairview, pero hindi ko na ginawa at baka magalit ang pasahero.

Pinatakbo ko ang taxi sa direksiyong patungo ng Fairview. Sinisilip ko sa rearview mirror ang lalaki. Wala itong imik sa likod. Tuloy ang pagmamaneho ko. Nilampasan namin ang Quezon Memorial Circle at saka ang Philcoa.

Pagsapit namin sa Litex, eto na ang pina­ngangambahan ko, biglang may naramdaman akong matigas sa aking tagiliran. Baril!

“Huwag kang papalag babarilin kita. Akina pitaka mo at pati relo mo,’’ sabi ng holdaper.

Hindi ko malaman ang gagawin. Nataranta ako at natapakan ang silinyador at tumakbo.

“Babarilin kita!’’

Binaril ako. Pero hindi pumutok ang baril. Tatlong beses pang kinalabit. Hindi pumutok. Pinagpawisan ako nang malamig. Ilang beses pang kinalabit, wala ring putok!

Hanggang may dumating na mga pulis. Nagsisigaw ako sabay labas sa pintuan,

Nahuli ang holdaper at nakumpiska ang baril.

Hindi ko malilimutan ang pangyayaring iyon. Muntik na ako kung pumutok ang baril.

Show comments