Lalaki na naglakad sa lubid na nasa ibabaw ng bulkan, nakatanggap ng Guinness Record!

NAKAPAGTALA ng world record ang isang adventure tourist guide nang makapaglakad ito sa lubid na nasa ibabaw ng pinakamataas na bulkan sa buong mundo!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Matia Grez ang pinakabagong world record holder ng titulong “Highest Elevation Highline (male) with harness”. Ito ay matapos siyang tumawid sa lubid na may habang 110 feet at may taas na 66 feet above the ground.

Naganap ang record attempt ni Grez sa Nevado Ojos del Salado, ang pinakamataas na bulkan sa buong mundo.

Bukod sa Guinness, ginawa ito ni Grez habang kinukunan niya ang sarili para sa ginagawang documentary film na The Eyes of the Earth, the Call of the Andes.

Show comments