^

Punto Mo

Traffic sa MM, ‘notorious’!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MISMONG kay Pangulong Ferdinand Marcos na nangga­ling, kung saan inilarawan niya na ‘notorious’ na ang kalagayan ng trapiko sa Metro Manila.

Hindi nga ba’t matagal na itong kalbaryo ng mga motorista. Matagal na nila itong tinitiis, minsan marami ang nasanay na.

Isang malaking himala kung hindi mararanasan ang trapik lalo na sa mga pangunahing lansangan.

Bagamat may mga isinasagawang pangmatagalang solusyon sa problemang ito ang pamahalaan, katulad ng mga imprastraktura, aba’y gaya nga sa kautusan ng Pangulo kailangan pa rin na makaisip at makapagpatupad ng agarang solusyon  sa lumalang trapik.

Isa nga rito ang pagdaraos ng pamahalaan ng traffic summit para masolusyunan ang ­matinding problema.

Isa rin ang problema sa trapik kung bakit mataas ang bilang ng nagaganap na road rage sa bansa.

Bukod pa nga sa mga isinagawa nang pag-aaral na nalulugi ng bilyun-bilyon ang bansa araw-araw dahil sa matinding trapik sa Kalakhang Maynila.

Sumasabay pa nga rito ang kabi-kabilang road repair, isama pa ang mga balasubas na mga contractor na matapos mabigyan ng permiso sa paghuhukay ay iiwan na lang na nakatiwang-tiwang ang hindi maayos na kondisyon sa kanilang ginawa.

May ilan naman, na halos kagagawa lang, huhukayin uli masabi lang na may proyekto.

Ilan lang ang mga yan sa dapat mabigyan ng agarang aksyon, para hindi man tuluyang masolusyunan, maibsan man lang ang araw-araw na kalbaryo sa lansangan ng ating mga kababayan.

 

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with