^

Punto Mo

Pasaway na mga kontraktor, kasuhan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dalawang pribadong contractor ng isang telecommunication company ang iisyuhan ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ng notice of violations.

Ito ay dahil sa hindi natapos na mga kalsada sa kahabaan ng EDSA na nagdulot ng matinding trapik sa kasagsagan pa naman nang pagbabalikan ng marami nating kababayan matapos ang mahabang holidays.

Dapat hindi lang yan ang maging pag-aksyon kundi kasuhan ang ganitong mga pasaway na contractor.

Nabatid kay MMDA Acting Chairman Don Artes na ang mga pribadong kontratista ay nag­ta­trabaho sa underground installation ng fiber optic cable sa kahabaan ng southbound na bahagi ng EDSA. Hindi umano nito natugunan ang kondisyon sa inaplayang road works na dapat natapos ng madaling araw noong Lunes.

Nabatid pa nga na dalawang permit ang inisyu sa dalawang kontraktor para sa 40 butas o paghuhukay noong nagdaang long holidays, subalit 16 lamang ang nakumpleto at 24 sa mga ito ang hindi nagawa o naiwang walang takip.

Basta na lang ito iniwan ng mga walang pakialam na kontraktor na nagsanhi ng matinding perwisyo sa mga motorista.

O di ba, ang titikas.

Yan ang mga walang pakialam at tagalagang pasaway, bagama’t alam nila ang kondisyon kaya sila napahintulutan.

Hindi lang isa o dalawa ang ganyang mga pasaway, kundi marami sila.

Namimihasa kasi madalas kasi nga walang sumisita at nag-iinspeksyon sa kanilang mga ginagawa.

Yung bibigyan ng permit para sa repair at konstruksyon, at pagkatapos ay basta na lang iiwan ang proyekto na nakatiwangwang.

Hindi lang yan, habang gumagawa pa ang ilan sa mga pasaway, ang mga gamit talagang nagkalat din sa daan na nagiging sagabal.

Dapat talaga na ma-check na maigi ng mga kinauukulang ahensya ang ganitong mga proyekto sa mga lansangan na hindi nakakasunod sa nilalaman ng mga kondisyon sa inaplay nilang permit.

Mabilis magbakbak ng kalsada ang karamihan at pagkatapos ng kanilang paggawa, hindi maibabalik sa dati ang itsura ng daan.

Kaya nga dapat na matutukan ng mga sangkot na ahensya ang ganyang uri ng mga kontraktor, kasuhan kung kinakailangan para mangadala at wag nang pamarisan.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with