^

Punto Mo

Pasukan sa eskuwela, ibalik na sa Hunyo!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MAS matinding init ang ibinabala ng PAGASA lalu na ngayong buwan ng Abril.

Hindi lang basta init, kundi ang tinatawag na mapanganib na init na maaaring umabot mula 42 hanggang 51 degree Celcius ang inaasahan sa ilang bahagi ng bansa.

Kahapon nga ilang paaralan sa Visayas at Mindanao ang nagdeklara na ng suspensyon ng klase dahil sa “high heat conditions” na naranasan, hanggang sa araw na ito (Abril 2) ipapatupad ang class suspension.

Alinsunod naman ito sa memorandum ng Department of Education (DepEd) na maaaring isuspinde ng mga head ng pampubliko at pribadong paaralan ang face-to-face classes kung matindi ang init.

Isa ang ganitong kalagayan ng panahon, kung kaya marami ang nagsusulong na maibalik na sa buwan ng Hunyo ang pasukan para hindi maranasan ng mga mag-aaral ang sobrang init tuwing summer.

Marami na ang nagsusulong nito sa Senado at Kamara na gawing bakasyon ang buwan ng Abril at Mayo.

Ito nga ay matapos na sa ilang pagkakataon, ay nagtutumbahan dahil  sa pagkahilo bunga ng matinding init ang mga mag-aaral.

May ilang paaralan din naman na masasabing kulang sa bentilasyon at kulang din sa mga kagamitan na makakatulong para mabawasan ang init sa loob ng klasrum na nakakadagdag sa hindi maayos na kondisyon ng mga mag-aaral.

Dahil dito, hindi rin umano halos nakakapag-concentrate hindi lamang ang mga estudyante kundi maging ang mga tagapagturo.

Mahalagang mabigyan ng prayoridad dito ay ang kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro, kaya mas makabubuti na agad na itong matignan at maipatupad kung ito ang makabubuti sa lahat.

vuukle comment

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with