^

Punto Mo

Mag-ingat sa pekeng eTravel registration!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Gaya nang dati, ang linggong ito ay punung-puno ng mga paglalakbay para sa ating mga kababayan.

Baka nga ngayon pa lang hindi lang mga terminal, pantalan ang dadagsain ng mga pasahero kundi maging ang mga paliparan.

May payo ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko, lalo na sa mga manlalakbay ngayong long weekend na magparehistro sa opisyal na eTravel upang hindi mabiktima ng online scam.

Tandaan ha sa bawat okasyon o panahon, may mga scammers na nakaantabay. Nakakaisip ang mga yan ng mga paraan at modus para makapanloko at makapanlinlang sa publiko.

Kaya nga may payo ang BI sa traveling public na maging maingat at mapagbantayan at magrehistro lamang sa ekslusibo at official government website o sa pamamagitan ng eGovPH application. Libre at walang bayad ang eTravel registration process, ayon yan kay BI Commissioner Norman Tansingco.

Ang babala ay ibinigay ng BI matapos matuklasan na may mga scammers na nagpapatakbo ng mga pekeng website at naniningil ng bayad para sa pagpaparehistro.

‘Wag magpaloko, malinaw na ang pagpaparehistro sa eTravel platform ay walang bayad.

Hinikayat ng BI ang mga manlalakbay na magparehistro lamang sa pamamagitan ng opisyal na website ng gobyerno sa https://etravel.gov.ph upang maiwasang mahulog sa mga mapanlinlang na pamamaraan.

Ang mga website o entity na humihingi ng online na pagbabayad ay dapat na iulat agad sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa pamamagitan ng kanilang hotline sa 1326.

Marami-rami nang pasahero ang nabiktia ng pekeng eTravel website na sumisingil umano sa pagitan ng P3,000 hanggang P5,000.

Magugunitang inilunsad nitong taong ito, ang eTravel ay nagsisilbing isang single data collection platform para sa arriving at departing passengers, integrating border control, health surveillance, and economic data analysis.

Kaya nga laging tandaan, wag agad-agad mapagpaniwala sa mga mapanlinlang na alok online na nangangako ng mas mabilis na proseso at kumbiniente kapalit ng halaga.

Siguro scammer yan, na dapat na mabantayan.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with