^

Punto Mo

Huwag mag-aksaya ng tubig

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MAGHINAY-HINAY na sa paggamit ng tubig. Patuloy umano sa pagbaba ang level ng tubig sa Angat Dam dahil sa epekto ng El Niño. Halos araw-araw daw ay nababawasan ang tubig sa dam na sa kasalukuyan ay nasa 200 meter. Ang normal water elevation ng Angat ay 212 meters. Ang Angat ang nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila. Dito rin kumukuha ng tubig para sa irigasyon sa mga sakahan sa Central Luzon.

Kamakalawa, sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na babawasan ang alokasyon ng tubig sa mga consumer sa Metro Manila simula sa Abril 16. Mula sa dating 50 cubic meters na alokasyon, ibababa ito sa 48 cubic meters.

Ibig sabihin lamang nito, hihina ang pressure ng tubig dahil sa pagbabawas ng alokasyon pero hindi mawawalan. Una nang sinabi ng NWRB na hindi magkakaroon ng water interruption sa Abril sa kabila nang pananalasa ng El Niño. Sapat pa raw ang tubig hanggang sa dumating ang panahon ng tag-ulan. Ang isang magandang balita, humina ang El Niño, ayon sa PAGASA. Posibleng mabawasan na ang init at hindi na gaanong mababawasan ang tubig sa mga dam.

Sa pagbabawas ng alokasyon ng tubig sa Metro Manila, pinakamagandang magagawa ay ang pagtitipid sa paggamit ng tubig. Limitahan muna ang operasyon ng mga car wash na kumukunsumo nang maraming tubig. Magkaroon ng inspeksiyon sa mga tanggapan ng gobyerno kung saan maraming naaaksayang tubig. Kadalasan, mga depektibo ang gripo sa comfort room at walang tigil ang pagtapon ng tubig.

Mag-ingat naman sa paghuhukay ang DPWH sa mga kalsada sa MM at baka may tamaang tubo ng tubig kung saan bubulwak ang maraming tubig. Madalas mangyari ito. Nagiging swimming pool ang kalsada at maraming nasayang na tubig.

Isakatuparan naman ng dalawang water concessionaires ang pagsasaayos ng mga sirang tubo ng tubig. Maraming nasasayang sa mga leak.

Magtipid at huwag mag-aksaya sa paggamit ng tubig.

vuukle comment

EL NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with