^

Punto Mo

100-anyos na lola na ipinanganak ng leap year, nagselebreyt ng kanyang 25th birthday!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 100-year-old na lola sa Oklahoma, U.S.A. ang nagdiwang ng kanyang “25th birthday” dahil isa siyang “Leapling” o pina­nganak ng leap year.

Noong Pebrero 29, kinilala si Mary Forsythe bilang bagong miyembro ng Centenarians of Oklahoma dahil sa kanyang edad na 100. Pero dahil ipinanganak siya ng leap year, ito pa lamang ang kanyang ika-25 pagdiriwang ng kaarawan.

Ipinanganak si Forsythe noong February 29, 1924. Ayon kay Forsythe, noong bata pa siya ay hindi niya maintindihan kung bakit mas madalas na wala sa kalendaryo ang kanyang kaarawan.

Pero sa kalaunan, mas nagustuhan na rin niya na isa siyang “leapling” dahil may dahilan siya para magkaroon ng dalawang birthday party, tuwing Pebrero 28 at Marso 1. Para sa kanya, nakita niya ito bilang blessing dahil may choice siya kung kailan niya ipagdiriwang ang kanyang birthday.

Dumalo sa birthday ce­lebration ni Forsythe ang dalawa niyang anak, limang apo at 11 apo sa tuhod.

vuukle comment

BIRTHDAY

LEAP YEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with