^

Punto Mo

Aso sa Russia, umabot ng 100 kilos ang timbang kahit isa itong asong kalye!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG palaisipan sa dog rescuers sa Russia kung bakit sobrang bigat ng asong kanilang na-rescue samantalang isa itong stray dog o asong kalye!

Bihira para sa isang midsize dog breed ang umabot sa timbang na 100 kilograms. Kaya nagtataka ang mga dog rescue volunteers sa Western Russia kung paano sobrang tumaba ang na-rescue nilang aso na si Krugets.

Natagpuan ng mga rescuers si Krugets sa isang kalye sa siyudad ng Nizhny Novgorod. Matapos itong dalhin sa animal shelter, kinailangan ng ilang katao para mabuhat ito at ilagay sa timbangan. May bigat si Krugets na 99.9 kilos at walang makapagsabi kung paano ito umabot sa ganitong timbang.

Sa sobrang bigat ng katawan nito, hirap itong makatayo sa kanyang mga binti at umaalulong ito tuwing gabi dahil sa joint pain. Ayon sa isang volunteer sa animal shelter, pinatingnan na nila si Krugets sa isang nutritionist. Kinuhanan na rin nila ito ng blood sample at sa susunod ay isasailalim na rin ito sa iba pang lab tests.

Naging challenge para sa volunteers at mga beterinaryo na masuri ang kalusugan ni Krugets dahil sa bigat nito. Hindi nila ito maisailalim sa X-ray exam dahil hindi mape-penetrate ng rays ang joints nito dahil sa kapal ng kanyang mga taba. Kakailanganin munang magbawas ng 50 kilos si Krugets para ma-X-ray.

Sa pag-iimbestiga ng mga volunteers, nagkaroon sila ng teorya kung bakit sobrang taba ni Krugets. Napag-alaman na sa palengke madalas gumala ang aso at doon ay nahahagisan siya ng mga tindero’t tindera ng mga retaso ng karne. Naging viral ang kuwento ni Krugets sa Russian netizens at dahil dito, maraming nag-donate ng pera para gamitin sa gamot at pagpapapayat nito.

Sa kasalukuyan, on the road to recovery si Krugets at umaaasa ang animal shelter na may umampon sa kanya kapag bumuti na ang kanyang timbang at kondisyon.

vuukle comment

RUSSIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with