^

Punto Mo

Mga patay, binubuhay ng POGO sa SIM cards!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HAPPY fiesta Alimodian, Iloilo!

• • • • • •

Malayo pa ang All Saints Day (November 1) subalit sa ngayon ay binubuhay na ang mga patay. Ngeekkkkk! Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang paggamit ng mga tiwaling Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ng mga pre-registered SIM cards na nakarehistro sa mga patay. Sal-it! Kaya’t tuluy-tuloy lang ang trabaho ng POGO workers para linlangin ang mga Pinoy at foreigners sa raket nilang love scam, online betting sa casino, onling banking at iba pang illegal na transaction. Araguuyyyyyy! Hehehe!

Lintek din itong mga POGO at kayang-kayang paikutan ang batas ng Pinas, ‘no mga kosa? Panahon na talaga para tuldukan na ang POGO operations bago maging malala pa ang krimen na ikalat nila sa Pinas tulad ng e-sabong. Dipugaaaaa!

Ayaw namang patulan ni Undersecretary Gilberto Cruz, ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang isyu dahil sa pag-alalang mapag-initan lang siya ng iba pang ahensiya ng gobyerno ni President Bongbong Marcos. Subalit sinabi ng isang taga-PAOCC na naaresto nila ang isang Malaysian national na ginagamit ng POGO operators sa pagrehistro, gamit ang mga pangalan at litrato ng mga patay, sa mga SIM cards sa DICT.

Siyempre, kapag nagamit na ang SIM card ng taga-POGO ng isang beses, itatapon na nila ito kaya’t mahihirapan ang gobyerno ni BBM na habulin ang nakarehistrong nakapangalan dito. Hehehe! Ano ang hahabulin ng DICT at National Telecommunications Commission ang mga patay? Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi naman ni Cruz na natiyempuhan ng mga tauhan n’ya sa pamumuno ni Capt. Adrian Anuran at taga-CIDG na pinangunahan ni Lt. Col. Niño Lope Briones, chief EDFU, ang Malaysian national na si Leong Sze Yuan, alyas Jeff, 23, sa isang entrapment operations sa harap ng Sea Residence Tower C Road 23 Pasay City. Si Yuan na nakatira sa T2-A22 Bayfront West NAIA Garden Residence Parañaque City Metro Manila ay hindi na nanlaban, ani Cruz. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

“Bumili ang aming ahente ng P1,000 worth na pre-registered SIM cards at sinakote kaagad siya matapos mag-abutan. Kusa siyang sumuko,” ani Cruz patungkol kay Yuan. Nakumpiska sa suspect ang isang P1,000 na boodle money at 50 pirasong Smart SIM cards. Araguuyyyyy! Pasok sa drive ng taga-PAOCC at CIDG si Yuan, no mga kosa? Mismooooo!

Ayon kay Cruz, binibili ni Yuan ang SIM card sa halagang P30 at binebenta niya ito sa POGO sa halagang P180. Libu-libong SIM card na ang naibenta ng suspect, ang dagdag pa ng PAOCC chief. Tsk tsk tsk! Tiyak marami nang nag-iiyakan na mga Pinoy at foreigners na naloko nitong ibinentang SIM card ni Yuan. Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kaya dapat nang kumilos ang DICT at NTC para matuldukan itong raket ng POGO, na walang habag na humahakot ng pitsa sa kanilang biktima, di ba kosang Taipan Kim Wong? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Si Yuan ay binasahan ng kanyang Constitutional Rights sa salitang English subalit tikom ang bibig ukol sa akusasyon laban sa kanya. Ayon kay Cruz, kakasuhan si Yuan ng paglabag ng Cybercrime Prevention Act at Data Privacy Act 2012. Hayun swak sa banga si Yuan. Sal-it!

Go, go, go lang Usec. Cruz Sir! Puksain mo ang mga POGO sa Pinas! Abangan!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with