^

Punto Mo

Bagahe na naiwala ng United Airlines, natagpuan makalipas ang 4 na taon!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGING viral sa TikTok ang mga serye ng ­videos kung saan ikinuwento ni April Gavin ng Oregon, U.S.A. ang tungkol sa nawala niyang bagahe matapos sumakay sa isang flight ng United Airlines noong 2018.

Ayon kay Gavin, galing siya sa isang business trip mula Chicago nang malaman niya na hindi naisakay sa eroplanong sinakyan niya pauwi ang kanyang checked-in luggage.

Matapos ang ilang buwan na pangungulit sa United Airlines, sinabihan siya ng mga ito na isang misteryo ang pagkawala ng kanyang maleta dahil hindi na ito ma-trace at imposible na itong ma-retrieve pa. Nakatanggap ng compensation si Gavin para sa nawalang maleta ngunit hindi lahat ng laman nito ay nabayaran.

Ngayong 2023, nakatanggap si Gavin ng tawag mula sa United Airlines at sinabihan siya na natagpuan na ang kanyang maleta sa isang airport sa Houston, Texas. Nang natanggap na niya ito, nalaman niya na bago nakarating sa Houston ang maleta, nanggaling pa ito sa Honduras!

Sa video na pinost ni Gavin, makikita na may damage na ang maleta pero kumpleto pa ang laman nito.

Pinaliwanag ng United Airlines sa kanya na naligaw sa ibang bansa ang kanyang maleta dahil hindi maayos ang pagkaka-scan sa bar code sticker na nilagay dito.

 

vuukle comment

BAGGAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with