^

Punto Mo

Mga Beterinaryo sa U.S., nakakuha ng 38 piraso ng pantali sa buhok sa sikmura ng pusa!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG animal shelter sa South Carolina, U.S.A. ang nagbigay ng babala sa mga pet owners na banta­yang mabuti ang mga alagang pusa matapos nilang matuklasan na ang isa sa kanilang rescue cat ay bina­wian ng buhay matapos ma­kalunok ng 38 piraso ng hair ties o pantali sa buhok!

Ang rescue cat na si Juliet ay natanggap ng Charleston Animal Society matapos itong ipaubaya sa kanila ng amo nito na kailangang lumipat sa malayong lugar.

Sa unang linggo pa lamang ng pusang si Juliet sa animal shelter napansin na ng mga volunteer doon na hindi ma­ayos ang kalusugan nito.

Ayon sa namamahala ng Charleston Animal Society na si Kay Hyman, ayaw kumain ni Juliet at nang ipinasailalim nila ito sa radiograph, may nakita silang foreign object sa sikmura nito.

Nang operahan si Juliet, natagpuan ang 38 piraso ng hair ties. Naging kum­pli­kado ang operasyon at tuluyang binawian ng buhay ang pusa dahil sa liver failure­.

Dahil sa pangyayari, nag­labas ng public service announce­ment ang Charleston Animal Society na huwag hayaan na maabot ng mga alagang pusa ang mga pantali sa buhok o kahit anong maliliit na bagay na maaaring malunok ng pusa o aso.

vuukle comment

SOUTH CAROLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with