^

Punto Mo

Empleyadong hindi pa nare-regular, maaring tanggalin ng walang notice?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Mga regular na empleyado lang po ba ang iniisyuhan ng notice to explain at notice of decision to terminate employment? Tinanggal kasi ako pero ni hindi na ako binigyan ng kahit anong notice ukol sa aking termination. Probationary employee pa lang po ako at wala pang anim na buwan sa trabaho.— Henry

Dear Henry,

Hindi mo binanggit kung ano ang dahilan ng employer para ikaw ay tanggalin. Ang mga probationary employees na katulad mo kasi ay maaring tanggalin sa trabaho ng kanilang employer dahil sa mga (1) “just causes” na nakasaad sa Labor Code o (2) kung sakaling hindi nila maabot ang mga standards na itinakda at ipinaliwanag sa kanila noong sila’y i-hire upang sila ay maging regular na empleyado.

Ayon sa Implementing Rules ng Labor Code, ibang proseso ang sinusunod sa pagtatanggal ng isang probationary employee kung ang pagkakatanggal sa kanya ay dahil hindi siya pumasa sa evaluation.

Kumpara sa pagtatanggal ng isang regular na empleyado na kailangan  ang “twin notice” rule  o pagpapaalam ng dahilan ng kanyang pagkakatanggal at ang pinal na pasya na siya ay tuluyan ng tanggalin, isang notice lang ang kailangang maibigay sa isang probationary employee na hindi pumasa sa evaluation.

Ibig sabihin nito ay hindi na kailangan magdaos ng hearing para sa ginawang pagtatanggal ng isang empleyadong hindi nakapasa sa evaluation. Kailangan lang na mabigyan ng written notice ang empleyado ukol dito sa loob ng madaling panahon mula sa date ng kanyang termination.

Kung ang pagkakatanggal naman sa probationary employee ay dahil sa tinatawag na “just cause”, kailangan siyang mabigyan ng dalawang notice katulad ng isang regular na empleyado.

Base sa mga nabanggit, kailangang nabigyan ka ng kahit ng isang notice man lang bago ikaw ay tinanggal sa trabaho, ano pa man ang dahilan nito. Maaring maharap ang employer sa isang labor complaint at pagbayarin ng danyos kung matuklasan na hindi sila sumunod sa tamang proseso at nilabag nila ang karapatan ng empleyado sa tinatawag na “due process”, kahit pa mapatunayan nilang may sapat silang dahilan para tanggalin ito.

vuukle comment

EMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with