^

Punto Mo

EDITORYAL - Tutukan din ang air pollution

Pang-masa
EDITORYAL - Tutukan din ang air pollution

HINDI lamang ang problema sa plastic pollution ang dapat tuunan ng pansin ng Marcos administration kundi pati na rin ang lumalalang air pollution. Kapag walang ginawang aksiyon sa air pollution, marami ang magkakasakit at ang pamahalaan din ang mahihirapan sapagkat dadagsa sa ospital ang mga biktima.

Malala ang air pollution sa Metro Manila na nabawasan na noong 2020 habang nananalasa ang pandemya. Bahagyang bumaba ang lebel ng air pollution dahil napilay ang transportasyon sa pananalasa ng pan-demya. Walang biyahe ang mga jeepney, bus at maski taxi na nagbubuga ng may lasong usok. Tigil din ang mga pabrika.

Subalit ngayon nagbalikan na sa kalye ang lahat ng sasakyan at balik operasyon ang mga pabrika, balik din ang air pollution. Araw-araw nang nakalalanghap ng may lasong usok ang milyong residente sa Metro Manila.

Sa pag-aaral ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang mga sasakyan ang numero unong nagdudulot ng air pollution sa Metro Manila. Umano’y 70-80 percent ng emissions ay galing sa mga tambutso ng sasakyan. Ang maruming usok na ito ang nalalanghap ng commuters.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga sakit na nakukuha dahil sa pagkalanghap ng hangin na may lason ay allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases. Ayon sa report, 120,000 Pilipino bawat taon ang namamatay dahil sa pagkalanghap ng hangin na may lason. Ayon pa sa report, pang-tatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia na maraming namamatay sa air pollution. Nangunguna ang China sunod ang Mongolia.

Wala pang itinatalaga si Marcos na DENR secretary. Malaking hamon para sa bagong secretary ang problema sa air pollution na nakaligtaan ng nakaraang pamunuan.

Isa sa mga paraan para masolusyunan ang air pollution ay ang pagbabawal sa mga luma at karag-karag na sasakyan sa kalye. Ang mga lumang sasakyan ay malakas kumunsumo ng gasolina at nagpo-produce nang nakasusulasok na usok. Ipagpatuloy din ang smoke belching campaign para masiguro na ang mga sasakyang yumayaot ay hindi nagbubuga ng may lasong usok. Ipatupad ang Clean Air Act of 1999.

Iligtas ang Metro Manila sa air pollution. Kaawaan ang mga susunod pang henerasyon. Iligtas sila sa nakamamatay na usok.

vuukle comment

AIR POLLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with