^

Punto Mo

Life hacks

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Subukan mong huwag magreklamo sa loob ng 24 oras. Pagkatapos obserbahan mo ang pagbabagong magaganap sa iyong buhay.

2. Okey lang na lagi kang may pag-aalinlangan. Nasasanay kang mag-isip nang mas malalim para tuklasin kung ano ang totoo.

3. Dilaan mo ang iyong pulso. Amuyin mo. Iyon ang amoy ng iyong hininga kapag naaamoy ito ng ibang tao.

4. Ang nagagawa ng sex sa mga kababaihan: nakakapagpakintab ng buhok at nagi­ging mamula-mula ang balat dahil sa ekstrang estrogen na nagagawa habang nagtatalik.

5. Ang pag-inom ng kalahating basong tubig bago matulog at pagkagising ay nakakatulong upang hindi makalimutan ang napanaginipan.

6. Sa umaga, kapain ang iyong muta na namuo sa corner ng iyong mata. Ang kulay nito ay nagsasaad kung tungkol saan ang iyong napanaginipan: Dilaw na muta – tungkol sa pag-ibig; Brown – kamatayan; Green – pera; Colorless – kasikatan; Black – walang ibig sabihin.

7. Kung nakakadama ng nerbiyos bago mag-presentation, speech or first date: Hipan mo nang malakas ang iyong thumb. Ang vagus nerve na nakakonekta sa iyong thumb ay nagkokontrol ng iyong heart rate. Nakakatulong ang pag-ihip dito upang maging normal ang tibok ng puso.

8. Bumili ng chalkboard eraser. Kapag nag-foggy ang windshield ng inyong kotse, ito ang ipampunas. Kaya magbaon nito lagi sa iyong glove box. Mas mainam ito kaysa gumamit ng pangkaraniwang basahan.

(May kasunod pa)

vuukle comment

LIFE HACKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with