^

Punto Mo

Salitang walang English translation

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KARANIWANG ang bawat salita ng isang lenguwahe ay may katapat na one word English translation. Ngunit may mga salita rin na walang one word English translation. Narito ang mga halimbawa:

Hygge: Danish word na ang ibig sabihin ay walang tao, pangyayari o bagay na nakakapagpainit ng ulo sa isang pagkakataon kaya nagdiriwang ang iyong kalooban.

Kyoikumama: Japanese word na tumutukoy sa mga inang “itinutulak” ang kanilang anak na mag-aral mabuti, kahit sa puntong pinahihirapan na ang mga ito, para lang maging mataas ang grade.

Uitwaaien: Dutch word na ibig sabihin ay maglakad-lakad sa labas o magpahangin para magliwanag ang isip.

Qualunquismo: Nadadama ng mga taong walang pakialam sa pulitika at mga isyu ng kanyang komunidad.

Bakku-shan: Japanese word sa isang babaeng maganda kapag nakatalikod pero pangit kapag iniharap ang kanyang mukha. Sa Pinoy slang—“Talikod-genic”.

Tingo: salita sa Easter Island, isla sa South Pacific na ang ibig sabihin ay taong mahilig manghiram ng gamit sa kaibigan pero hindi marunong magsauli. Inaangkin na niya ang gamit matapos ipahiram sa kanya.

Zalatwic: Polish word na ang ibig sabihin ay paggamit ng common friends, bribes, personal charm o connections para makuha ang isang bagay o maisakatuparan ang ninanais na mangyari.

Ilunga: Bantu word (Africa) na tumutukoy sa pagpapatawad sa unang pag-abuso sa iyo; magpapasensiya pa rin sa ikalawa ngunit hindi na sa ikatlong pagkakamali.

Biritululo: salita sa New Guinea na tumutukoy sa payabangan ng mga magsasaka, tungkol sa kung kaninong itinanim at inaning  ube ang mas malaki at masarap.

vuukle comment

ENGLISH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with