^

Punto Mo

Minahan sa China, pininturahan ng berde ang mga bato upang magmukhang ‘environmentally-friendly’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DESPERADO na ang isang minahan sa China na maka­pasa sa isang environmental inspection kaya naman kakaiba ang naisip nitong paraan upang magmukhang “environmentally-friendly”.

Pininturahan kasi ng berde ng Changsheng Rock Material Factory sa Xintai, China ang mga nahukay nitong bato upang magmukhang puno ng halaman at puno ang paligid ng kanilang minahan.

Ginawa ito ng kompanya sa pag-aakalang ang mga litrato lang na kuha ng satellite ang magiging batayan ng inspeksiyon na isasagawa ng mga kinauukulan.

Dahil sa pagtatangka nilang isahan ang pamahalaan, ipinasara ang minahan at sinuspinde ang mga namamahala nito. Tinawag pa ng mayor ng lugar na “walang konsensiya” ang kompanya dahil sa kalokohan nito.

Wala namang kadala-dala ang kompanya dahil may mga ulat na sa kabila ng pagpapasara, may mga tao at truck pa rin na labas-masok sa minahan.

vuukle comment

CHANGSHENG ROCK MATERIAL FACTORY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with