Sino si Larry ng NAIA T3
AYON sa mga sumbungero na mga taga - NAIA, si alyas Larry, ang siyang utak ng human smuggling ngayon sa NAIA T3, dahil sumusunod ito sa kumpas ng dati niyang mga kasamahan sa nasabing lugar.
Sabi nila, si alyas Larry, ang kausap para makaalis ng NAIA ang mga pasaherong may depektibong mga dokumento kapalit ng malaking halaga ng salapi na pinaghahatian ng kanilang grupo.
Ika nga, marami ang bukol na taga - Immigration?
Uso ang hugutan ngayon sa NAIA T3, tungkol sa mga depektibong mga dokumentong bitbit ng mga pasahero aalis ng Philippines my Philippines.
Ayaw daw pumayag ng isang opisyal ng BI dito sa mga kagaguhan ng kanyang mga kurap na personnel tungkol sa kalakaran ng human smuggling kaya pinasara ang delihensiya ng mga lintek.
Si alyas Larry, ngayon ang namamayagpag pagdating sa pagpapalusot porke ito ngayon ang kinakausap ng mga kasamahan niyang mga kapuwa mga gago at ganid sa salapi.
Ang akala kasi ng grupo ay hindi ito puputok kaya naman kailangan tiktikan ng NAIA - NBI si alyas Larry para mabunot ito at panagutin sa kanyang mga kagaguhan.
Sabi nga, ikulong pati mga kasamahan niyang IO, na pumapalo ng mga tabinging dokumento.
Ano sa palagay ninyo ? Mr. Castro?
Abangan.
• • • • • •
Del Rosario, no way sa Hongkong
Kawawa naman si dating DFA Secretary Albert del Rosario dahil hindi ito pinapasok at na detained pa sa Chep Lak Kok Airport sa Hongkong ng dumating ito doon, yesterday morning.
Bakit?
Birada ni del Rosario, ginipit siya ng mga immigration authorities sa Hongkong at halos apat na oras siyang nasa loob ng maliit na kuarto sa paliparan.
Ayon kay del Rosario, tinatanong niya ang mga autoridad sa Hongkong kung bakit siya ginigipit pero ayaw nilang magsalita kung bakit.
Sabi ni del Rosario, basta immigration problem lang ang isinasagot sa kanya ng ibang kausap niya.
Naku ha!
Ano ba ito?
Sinabi ni del Rosario, gamit niya ang ‘diplomatic passport’ niya at may immunity siya pero ito aniya ay binalewala sa Hongkong kaya paglabag ito sa Vienna Convention.
Dapat lang!
Si del Rosario ay nakaranas ng katulad ng nangyari kay dating Ombudsman Conchita Carpio Morales ng pumunta ang huli sa Hongkong kasama ang kanya pamilya dahil hindi rin ito pinapasok doon kaya naman umuwi na lamang ang pobreng alindahaw.
Ano ang dapat gawin dito?
Mag-file siguro ng diplomatic protest?
Abangan.
- Latest



















