^

Punto Mo

Away vs pulis, dahilan ng pagkatalo ni Mayor Osmeña!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

MAGSISILBING leksiyon ang pagkatalo ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña sa mga pulitiko na mahilig mang-away ng kanilang chief of police. Ang balitang umiikot kahapon, lamang ang kalaban ni Osmeña na si Vice Mayor Edgar Labella ng halos 17,000 votes.

Si Labella mga kosa ay suportado ni President Digong, na hayagang inaaway naman ni Osmeña. Kung sabagay, hindi lang si Digong ang inaaway ni Osmeña kundi maging ang mga pulis niya, na halos wala nang suporta galing sa city government niya.

Konting mali lang ng mga pulis, aba palaging ang isinisigaw ni Osmeña ay paiimbestigahan niya ito at nitong huli ay maging hindi sa lugar niya ay nakisawsaw siya. Kaya malayo ang pulso at puso ng mga pulis sa liderato ni Osmeña. Araguuyyy!

Subalit nitong malapit na ang midterm election, nakaramdam na si Osmeña ng kagipitan at sa hindi inaasahang pangyayari ay sa pulis din siya lumapit. At ang kinalabasan ay inisnab ng mga pulis ang mga kahilingan niya at hayun, sa kangkungan dinampot si Osmeña. Get’s n’yo mga kosa kong pulitiko? Hak hak hak! Ang moral lesson dito mga kosa ay “huwag awayin ang mga pulis at may kalalagyan kayo!”

Kung sabagay, hindi lang kay Digong nakipagsagutan si Osmeña kundi maging kay Col. Royina Garma, ang city police director niya. Siyempre, tulad ni Digong hindi naman umatras si Garma, na nagtrabaho lang kahit walang suporta siyang nahita mula kay Osmeña.

Si Garma kasi ang suspetsa ni Osmeña na nasa likod ng pagpakalat ng litrato niya habang naglalaro ng poker sa isang restaurant sa Cebu City. Galit sa sugal subalit nagsusugal din pala si Osmeña, di ba mga kosa? Araguuyyy!

Habang naramdaman niya na tagilid na ang laban kay Labella, aba kung kani-kaninong police officials na lumapit si Osmeña para magpasaklolo. At dahil sa maanghang na bunganga niya laban sa mga pulis, walang may gustong tumulong sa kanya. Maging si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde ay hindi kumilos sa kagustuhan niyang ma-relieve si Garma.

Hindi rin kayang lunukin ni Osmeña ang pride niya kaya hindi siya lumapit kay Garma. Hak hak hak! Kaya hayun, hagupit ni Labella ang inabot ni Osmeña, di ba mga kosa?

Tulad sa hinala ni Manila Mayor Joseph Estrada, na-project kaya ng malaking tao si Osmeña? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Siyempre, ang unang suspetsa rito ay si Digong ang nasa likod ng pagkatalo ni Osmeña. Get’s n’yo mga kosa?

Maliban sa litrato niya na naglalaro ng poker, ang ginawa pala ng mga pulis ay nagsagawa ng checkpoint operations malapit sa bahay ni Osmeña at presto... hindi nakapaglabas ang pobre ng pitsa para ipamudmod sa supporters niya.

At dahil nganga ang mga supporters n’ya, siyempre karamihan sa kanila ay naglipat-bakod kay Labella at hayun... sa kangkungan ang bagsak ni Osmeña. O hayan mga kosa kong pulitiko, huwag awayin ang mga pulis at t’yak may kalalagyan kayo. Kaya tularan si Osmeña kung gusto n’yong makatatlong termino sa puwesto. Abangan!

vuukle comment

TOMAS OSMEñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with