^

Punto Mo

EDITORYAL - Hustisya sa minasaker na sugar farmers

Pang-masa
EDITORYAL - Hustisya sa minasaker na sugar farmers

HANGGANG ngayon, wala pang natutukoy ang Philippine National Police (PNP) kung sino ang may kagagawan sa pagmasaker sa siyam na sugarcane farmers sa Negros Occidental. Marami silang suspect pero wala pang nararating ang kaso. Kawawang mga magsasaka.

Ang mga sugarcane farmers ang may pinakamahirap at pinakamabigat na trabaho. Kapag itinanim ang tubo o sugarcane, kailangang linisan ang paligid nito para walang mga damo o bagin na maaaring pumatay dito. Kapag napuluputan ng bagin, mamamatay ang tubo. Kailangan ding alagaan ang tubo habang lumalaki sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga tuyong dahon. At ang pinakamabigat sa lahat ay ang pag-aani o pagtabas sa tubo at saka papasanin ang mga ito patungo sa trak na magdadala naman sa mga pigaan para makuha ang katas na ginagawang asukal. Grabeng hirap ng trabaho nila.

Kapag natabas na ang tubo, panibagong pagtatanim na naman. Kapag nakapagtanim, mahabang panahon ang hihintayin bago mag-ani. Wala silang pinagkakakitaan sa panahong naghihintay sa paglaki ng tubo. Gutom ang inaabot nila sa ganitong panahon. Wala silang alam na pagkakakitaan. Mas matindi kung mayroon silang mga nag-aaral na anak. Hindi nila alam kung saan kukuha ng perang pantustos sa mga anak.

Kaya nang mabalita ang karumal-dumal na pagmasaker sa sugarcane farmers, anong kapalaran mayroon sila para danasin ang ganun katinding kamatayan. Para silang manok na binaril. Niratrat umano ang mga ito habang natutulog sa tent sa Sagay City, Negros Occidental noong gabi ng Sabado. Umano’y 40 armadong kalalakihan ang pumatay sa grupo. Kabilang sa mga napatay ang tatlong babae at dalawang menor-de-edad. Naganap ang masaker sa Hacienda Nene kung saan nagtayo ng tent ang mga magsasaka para masilungan habang nagtatanim ng gulay.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), mga miyembro ng Negros Federation of Sugar Workers ang mga pinatay. Itinuro ng PNP ang New People’s Army (NPA) na isa sa maaaring may kagagawan. Posible rin umanong mga tauhan ng Hacienda Nene ang nagmasaker. Pero ang mga ito ay espekulasyon lamang.

Sumisigaw ng hustisya ang mga kaanak ng kawawang sugarcane farmers. Huwag hayaang mabaon sa limot ang karumal-dumal na krimeng ito. Lutasin ang kasong ito sa lalong madaling panahon.

vuukle comment

SUGARCANE FARMERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with