^

Punto Mo

Urban legend sa iba’t ibang panig ng mundo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG urban legends ay mga kuwentong gawa-gawa lamang pero kung pakikinggan ay parang totoo.

Hawaii: Ang universe ngayon ay bahagi lang ng lumang universe na nawasak. Ang nilalang na natirang buhay sa lumang universe ay mga octopus.

US: Mas maraming nagpapakamatay sa holiday. Ang maling impormasyong ito ay ikinalat ng media. Ang totoo, bumababa ang suicide rates sa panahon ng Kapaskuhan.

US: Nakakalabo ng mata ang panonood ng malapit sa TV set. Hindi lalabo, mapapagod lang ang mata. Ang mga TV na ginawa raw bago sumapit ang 1967 ay  nagbubuga ng strong radiation mula sa TV screen.

Pakistan: Ang pakikipagtalik daw sa virgin ay nagpapa-galing ng HIV. Kaya tumaas ang insidente ng rape simula noon.

Japan: May higanteng bigla na lang magpapakita sa isang bahay at uutusan ang mga residente na hugasan ang kanyang maruming paa. Kapag tumanggi ang mga tao na hugasan ang kanyang paa, gagawa siya ng gulo hanggang magiba ang bahay.

Nagiging malikot at hindi mapakali kapag kumain ng sobrang matatamis na pagkain. Sugar rush ang tawag dito at hindi ito totoo. Nagkakatotoo lang dahil sa placebo effect—nagkatotoo ang isang paniwala dahil inisip mong ito ay mangyayari.

South Korea: Mamamatay ang mga tao na nasa kuwartong sarado ang pintuan at bintana habang naka-ON ang electric fan.

Scotland: May giant black cat fairy na kumukuha ng kaluluwa ng namatay. Nakikipag-unahan siya sa Diyos sa pagkuha ng kaluluwa.

vuukle comment

MUNDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with