^

Punto Mo

61-anyos na lola, nag-plank ng 5 oras para sa Guinness Records!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 61-anyos na lola mula Alberta, Canada ang muling nagtala ng pambihirang achievement matapos manatili sa plank position nang limang oras, mas mahaba sa dati niyang Guinness World Record na naitala noong 2024.

Si DonnaJean Wilde, isang retired teacher at lola ng 12 apo, ay isinagawa ang five-hour plank noong Oktubre 6 sa Huntsman World Senior Games sa Utah, USA.

Hawak na ni Wilde ang Guinness World Records title na “longest time in an abdominal plank position (female)” matapos siyang mag-plank ng 4 hours, 30 minutes and 11 seconds noong 2024.

Sa pinakahuling attempt, umabot siya ng eksaktong limang oras sa harap ng mga judge. Hinihintay pa niya ang official verification ng Guinness World Records.

Ang abdominal plank ay isang core exercise kung saan pinananatiling tuwid ang katawan na parang table.

Ayon sa Guinness rules, kailangang manatiling nakadikit sa sahig ang bisig at daliri sa paa habang ang natitirang bahagi ng katawan ay nakataas at tuwid sa buong attempt.

Nagsimulang mag-plank si Wilde humigit-kumulang 15 taon na ang nakalipas matapos niyang mabali ang kanyang braso. Naghahanap siya noon ng paraan upang manatiling physically active kahit nakasuot ng cast.

Noong una, isang minuto hanggang isa’t kalahating minuto lamang ang kaya niyang tagalan. Sa patuloy na pagsasanay, unti-unting umabot sa ilang oras ang kanyang endurance.

Ayon kay Wilde, araw-araw pa rin siyang nagpa-plank ng ilang oras ngunit hindi raw nasasayang ang oras niya dahil nagmu-multitask siya habang ginagawa ito.

Nagbabasa siya, nagsusulat, gumagawa ng schoolwork at sumasagot ng messages habang naka-plank. Sinabi pa niyang nakatapos siya ng master’s degree at nakapagsulat ng libro habang ginagawa ang exercise.

Ang kanyang librong From Minutes To Hours: I Wrote This Book While Planking ay inilabas noong nakaraang taon.

GUINNESS WORLD RECORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with