^

Punto Mo

Pinakamataas na man-made waterfall sa mundo, bumubuhos sa tabi ng isang skyscraper sa China

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MATATAGPUAN na ngayon sa China ang pinakamataas na man-made waterfall sa mundo.

Makikita ang artipisyal na talon sa tabi ng isang skyscraper sa Guiyang, Guizhou Province.

Nasa 354 talampakan ang taas ng waterfall, na sapat na upang tanghalin ito bilang pinakamataas sa buong mundo.

Sa taas ng pinanggagalingan ng tubig ay kailangan ng apat na 185 kilowatt na pumps na hihigop ng tubig mula sa ibaba ng building papunta sa tuktok nito.

Dahil sa nakamamanghang tanawin na dala ng artipisyal na talon, umani ng milyon-milyong views at libo-libong likes ang video nito na ini-upload sa social media kamakailan lang.

Naging paksa naman ng debate sa mga netizens ang nasasayang na pera sa pagpapatakbo nito, na tinatayang nasa 800 yuan (katumbas ng P6,000) kada oras.

Ipinaliwanag naman ng may-ari ng gusali na tuwing may espesyal na okasyon lang nila patatakbuhin ang artificial waterfall at tatagal lamang ng 20 minuto.

vuukle comment

WATERFALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with