^

Punto Mo

Gilas makikipagbangasan para sa Paris Olympics spot

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa ang Gilas Pilipinas na gawin ang lahat upang masungkit ang tiket sa Paris Olympics.

Malaki ang tiwala ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa kanyang tropa.

At sa ganda ng inilalaro ng Gilas Pilipinas, naniniwala ito na abot-kamay na ang inaasam na puwesto sa Olympic Games.

Magtatangka ang Gilas Pilipinas na maisakatuparan ito sa oras na umarangkada ang FIBA Olympic Quali­fying Tournament na idaraos sa Riga, Latvia sa Hulyo.

Kailangan lang ng Gilas Pilipinas na matalo ang host Latvia o ang Georgia sa group stage para makalapit sa inaasam na Paris Olympics spot.

“I think for us to think any success at this point, we need to get to the crossover, we need to either beat Latvia or Georgia to feel like we’ve had success,” ani Cone.

Kaya naman pukpukan ang gagawing ensayo ng Pinoy cagers sa training camp nito sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna na magsisimula sa Hunyo 21.

Magkakasama sa Group A ang Pilipinas, Latvia at Georgia habang nasa Group B naman ang Brazil, Cameroon at Montenegro.

Alam ni Cone na daraan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas para maisakatuparan ito.

Subalit handa ang kanyang bataan na gawin ang lahat.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with