^

Punto Mo

Lolong truck driver, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 90-anyos na lolo sa U.S. ang nakapagtala ng world record dahil nakakapagtrabaho pa ito bilang truck driver sa kabila ng kanyang edad!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Record na si Doyle Archer ang pinakabagong record holder ng titulong “World Oldest Truck Driver” sa edad na 90.

Ayon kay Archer, nagsimula siyang maging truck driver sa edad na 30-anyos. Kung susumahin, nakapagmaneho na siya ng 5.5 million miles sa loob ng 60 taon na pagiging truck driver.

Mayroong 26 na apo sa tuhod si Archer at masaya ang lahat ng mga ito dahil Guinness World Record holder na ang kanilang lolo. Sa kasalukuyan, walang planong magretiro si Archer sa pagiging truck driver.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with