^

Punto Mo

Maid of Honor (136)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAKALIPAS ang isang linggo at walang magandang balita kay Rocky, nagpasya si Inah na lumuwas ng Maynila. Hindi siya mapalagay. Lagi nang may pangamba sa kanyang dibdib.

Mula nang makagawa nang malaking tulong sa kanya si Rocky sa pagpapagamot ng kanyang inay, nagkaroon na siya nang hindi maipaliwanag na damdamin kay Rocky. Ayaw niyang dayain ang sarili pero iyon ang kanyang nadarama. Kahit malaki ang agwat ng edad nila ni Rocky, ang tingin niya rito ay ay isang “bayani” na nagligtas sa kanya sa isang malaking panganib. Malaki ang nagawa ni Rocky sa kanyang buhay.

Naghanda si Inah ng ilang pirasong damit. Nagpaalam siya sa kanyang itay at inay.

“Luluwas muna ako sa Maynila, Itay, Inay. May hahanapin lamang ako.’’
“Mag-ingat ka, Inah.’’

“Opo Itay.’’

“Puntahan mo ang iyong kapatid na si Yana.’’

“Opo, Inay.’’

Hinalikan niya ang ama at ina.

“May stock po ng pagkain sa ref. Lahat po ay kumpleto. Baka bukas o sa susunod na araw ay makabalik din ako, Itay, Inay.’’

“Sige Inah.’’

Umalis na si Inah.

Ang unang pupuntahan niya ay ang bahay ni Rocky sa Calumpang.

Naidalangin niya na sana, naroon si Rocky!

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with