^

Punto Mo

Durian, nakatakdang ipadala ng Thailand sa kalawakan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

UPANG mapag-aralan kung ano ang maaring dalhin na pagkain ng kanilang mga magiging astronaut ay planong ipadala ng Thailand sa outer space ang sinasabing pinakamabahong prutas ng Southeast Asia.

Gusto kasi ng Thailand na makakain ng mga pagkaing likas sa Thailand ang mga astronaut nito sakaling makapagpadala na sila ng kanilang mga mamamayan sa outer space at ang una nilang pag-aaralan ay ang durian.

Pagkagaling sa kalawakan ay susuriin nila ang durian kung ano ang naging epekto ng pananatili nito sa lugar na walang gravity.

Hindi naman daw magiging isyu ang ma-tinding amoy ng durian dahil gagamit ng tuyot na durian na nakabalot pa sa selyadong pakete kaya siguradong hindi ito aalingasaw sa loob ng masikip na space ship.

Bukod sa durian ay magpapadala rin ang Thailand ng kanin sa kalawakan kung saan mananatili ang mga ito ng limang minuto.

Hindi ito ang unang beses na may kakaibang pagkain mula Asya na nakarating ng outer space. Noong 2008 ay umabot sa kalawakan ang kimchi nang dalhin ito ng isang Korean astronaut sa kanyang paglalakbay.

vuukle comment

DURIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with