^

Punto Mo

Sino ang nabulag kanino?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

THROWBACK. Nakilala ko ang aking mister sa isang school org (organization) noong college. Noong nalaman ng aming mga kasamahan sa org na magnobyo na kami, isang taong akala-mo-ay-laging-siya-ang-pinakamagaling, ang walang kagatol-gatol na nagtanong sa akin: Eh sino naman ang nabulag kanino?

Ang taong ito ay hindi ko kaibigan at kabiruan. Basta’t magkasama lang kami sa org. Ang batian lang namin ay tanguan o ngitian. Bihira kaming mag-abot sa opisina ng org maliban lang kung may meeting at Christmas party. Kung magpang-abot man kami, wala kaming chance na mag-usap dahil magkaiba ang grupo namin.

Ang makakapagbiro lang sa akin ng ganoong klaseng katanungan ay isang close friend. E, dahil nga bitch, naitawid niya ang ganoon klaseng katanungan kahit wala kaming good relationship sa isa’t isa. Kung ia-analyze ang katanungan, para bang ke papanget namin na kailangang pang may mabulag, para lang may magkagustong opposite sex.

Marami ang nakarinig, isang kasamahan ang nainis sa pa-nanalita nito. Siniko nito ang taong mapangmata, sabay iling at sumenyas na huwag magsalita nang ganoon.

Magkaganoon pa man, sumagot ako na sweet pa rin ang voice with matching Mona Lisa smile kahit nagngingitngit ang kalooban:

“Walang bulag sa aming dalawa. Talagang type namin ang isa’t isa. Ikaw siguro, iisipin mong nabulag lang ang magkakagusto sa iyo dahil ‘yan ang mental attitude mo.”

Taong 2017-2018. Sangkot ang taong ito sa isang malawakang kontrobersiya dahil binulag siya ng pera. Napangiti ako nang malaman ko ang balita. Napabulong ako habang nagsasalita siya sa TV: O, ano, sino ngayon ang bulag? He-he-he.

vuukle comment

BULAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with