^

Punto Mo

Sampaguita (188)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SIYANGA pala, tulu­ngan n’yo akong mag-isip ng pangalan para sa theme park,’’ sabi ni Sir Manuel. ‘‘Gusto ko ay tipong pang-Disney ang dating pero Pinoy pa rin ang mangingibabaw.’’

“Aba opo, Sir Manuel. Katunayan po ay may naisip na ako pero baka korni,’’ sabi ni Sam.

“Sige sabihin mo at baka magustuhan ko. Kailangang ngayong linggong ito ay maipaskel na ang mga streamers at flyers para sa nalalapit na inagurasyon. Magpapatayo rin ako ng arko sa bounda­ry ng barangay para malaman ng mga tao kung nasaan ang park. Ano ang naisip mo Sam?’’

“Bakit hindi po natin ta­waging ENGKANTASYA ang park?’’

“Wow! Magandang panga­lan! Tamang-tama ang naisip mo Sam. Napakaganda!’’

“Salamat po, Sir Manuel.’’

“Ikaw Ram meron ka bang maisa-suggest na name ng park?’’

“Wala po akong maisip na pangalan. Palagay ko po tama na ang naisip ni Sam. Bagay na bagay po Sir Manuel.’’

“Bueno, ENGKANTAS­YA na lang ang ipapangalan natin. Magpapagawa na ako ng ilalagay sa arko.’’

 

MAKALIPAS ang dalawang linggo, ikinakabit na ang arko sa boundary ng Barangay Susong Dalaga. At makalipas pa ang ilang araw, ikinabit na rin ang malaking pangalan sa entrance ng park.

Pinanonood nina Sir Ma-nuel, Sam at Ram ang pagla-lagay ng pangalan.

“Bagay na bagay ang pa-ngalan!’’ Sabi ni Sir Manuel.

“Napakaganda po.’’

‘‘Isang buwan at tapos na tapos na ito. Inagurasyon na.’’

“Opo, Sir Manuel.’’

‘‘Dito kayo ikakasal. At sa susunod na buwan na iyon, di ba ?’’

“Opo Sir Manuel.’’

“Gaya nang sabi ko, sagot ko lahat ang gastos. Wala kayong gagastusin. Sa loob ng ENGKANTASYA kayo ikakasal at diyan din isasagawa ang reception.’’

Hindi makapaniwala si­na Sam at Ram. Maliga­yang-maligaya sila.

“At hindi ko nalilimutan ang sorpresa sa inyo – lalo na sa’yo Sam.’’

“Ano po iyon, Sir Manuel?’’

“Malalaman n’yo isang araw bago ang kasal. Gusto kong masorpresa kayo.’’

Excited na excited ang dalawa. Ano kaya iyon? Baka kaya isang malaking regalo ang ibibigay ni Sir Manuel sa kanila?

Gusto nila sumapit na ang araw ng kasal!

(Tatapusin bukas)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

BAGAY

BARANGAY SUSONG DALAGA

IKAW RAM

MANUEL

NAPAKAGANDA

OPO SIR MANUEL

SIR

SIR MANUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with