^

Punto Mo

Sampaguita (139)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI inaasahan ni Vi­ring ang pasya ni Sir Manuel na inaalis na nito sa listahan si Ram bilang drayber-badigard ni Sampaguita.

“Sir Manuel, kung aalisin mo po si Ram, paano po si Senyorita Sam?’’

“Makabubuti ang ga­ga­win ko, Viring. Pinag-aralan ko na ito.’’

“Kapag inalis mo po si Ram, lalo pong magkakaroon nang pagkakataon si Levi kay Senyorita. Isa pa po Sir Manuel, mahirap pong walang kasama rito sa bahay.’’

“Mayroon akong ipadadalang dalawang tao para kapalit ni Ram. Sila ang magiging drayber at badigard ni Sam. Alam na nila ang gagawin,’’

“Ganun po ba? Alam na po ba ni Senyorita Sam?’’

“Iti-text ko sa kanya. Banggitin mo na rin sa kanya.’’

“Opo Sir Manuel.’’

“Huwag kang mag-alala Viring, kahit na nagbabago na si Sampaguita at sumisira sa pangako, patuloy pa rin akong magbibigay ng tulong. Kung ano ang naipa-ngako ko noon, ganun pa rin hanggang ngayon.’’

“Salamat po Sir Ma-nuel.’’

“Mayroon lang akong ipakikiusap sa iyo Viring, matyagan mong mabuti si Sam at Levi. Pakinggan mo ang kanilang pinag-uusapan. Mayroon akong hinala na nalaman na ni Levi na ako ang may pakana nito kaya ngayon ay may binabalak siya para sa akin. Kabisado ko ang taong iyon na mabilis umamoy ng mga nangyayari sa paligid. Kaya lagi mong imomitor pero huwag kang magpapahalata dahil baka ikaw ang balikan. Malupit si Levi. Hindi siya nangingiming pumatay ng mga taong inaakala niyang sagabal sa kanya.’’

“Gagawin ko po ang utos mo, Sir Manuel.’’

“Inuulit ko Viring, mag-iingat ka kay Levi. Siya ay puwedeng mag-anyong tupa pero ang nasa loob ay isang tigre.’’

“Mag-iingat po ako.’’

“Siyanga pala Viring, ikaw na ang bahalang mag-asikaso sa lola ni Sam. Padalhan mo ng pera. May ibibigay sa’yong ATM card ang drayber at bodyguard na darating diyan. Mag-withdraw ka ng pera at ipadala sa lola ni Sam na nasa probinsiya. Ibibigay din ng ipadadala kong mga tao ang address ng lola ni Sam. Dati, si Ram ang nagpapadala ng pera pero dahil inalis ko na siya, ikaw na ang mag-asikaso nito. Napababayaan na ni Sam ang kanyang lola. Kawawa naman.’’

“Nalaman ko nga po na nag-iisa ang kanyang lola at hindi na rin inaasikaso ng magulang ni Sam na nasa ibang bansa.’’

“Nalaman ko na narito na ang mga magulang ni Sam pero may sarili ng pamilya. Ang masakit nga ay hindi na nila naalala ang matanda.’’

“Kawawa pala ang matanda. Sige po Sir Manuel ako ang bahala sa pagpapadala ng pera sa matanda.’’

“Salamat Viring. Tawagan mo ako kapag may katanungan ka o anumang problema.’’

“Opo Sir Manuel.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

KAWAWA

MAG

MAYROON

OPO SIR MANUEL

SAM

SENYORITA SAM

SIR

SIR MANUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with