^

Punto Mo

B-day ni Makati OIC Peña, binoykot ng mga konsehal!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

BINOYKOT ng mga konsehal ng Makati City ang birthday party ni OIC Romulo ‘‘Kid’’ Peña noong nakaraang linggo. Imbes na makahalubilo si Peña, minabuti ng mga konsehal na magpalamig sa isang lugar sa probinsiya. O baka hindi naman sila inimbita ni Peña? Sinabi ng mga kosa ko na masamang pangitain ito kung ang liderato ni Peña ang pag-uusapan dahil kung talagang magaling na lider siya, sana sa halos dalawang buwan niya sa puwesto ay nakumbinsi na niya ang mga konsehal na mag-rally sa likod niya at ang kapakanan ng taga-Makati naman ang isipin niya. Eh kung patuloy na maging loyal ang mga konsehal kay suspended Mayor Junjun Binay, ang ibig sabihin niyan may semplang si Peña sa mga Binay sa darating na 2016 elections? Kung inaayawan ng mga konsehal si Peña, lalo na siguro ng mga barangay chairmen at mga botante na kung halos dalawang dekada ng nakinabang sa liderato ni Binay, di ba mga kosa? Sa totoo lang, wala namang pagbabago sa Makati dahil kung sino ang nasa trono siya ang makikinabang. T’yak ‘yun! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Deny to death naman si Gibo de los Reyes, ang acting PIO ni Peña, sa lumabas dito noong Hulyo 29. Sa kanyang sulat sa akin, ginawang isyu ni acting PIO, walang bodyguard itong si Peña na ang pangalan ay Cris at Ferdie na ibinulgar ko na gumagamit ng pangalan ni Peña sa mga pasugalan. Para sa kaalaman ni De los Reyes, hanggang sa ngayon, kinukuha pa rin naman ni alyas Cris ang parating para sa mga bodyguard ni Peña. Siyempre, kaya alyas ang ginamit ni Cris ay para hindi madungisan ang pangalan ni Peña sa illegal gambling. Kung sabagay, ang kinukuha ni alyas Cris ay yaong kinukuha din ng mga bodyguard ni Mayor Binay noon. So, walang pagbabago talaga sa Makati, di ba mga kosa? Si Ferdie naman, acting PIO Sir, ay isang pulis na naka-assign sa intelligence division. Kakutsaba niya si alyas Cris at patuloy din naman ang pag-iikot nila sa mga pasugalan. Sinabi ng mga kosa ko sa Makati na pinatawag ni OIC Peña si Ferdie subalit hindi nila alam kung ano ang pinag-usapan. O hayan, maliwanag na acting PIO at sana paimbestigahan n’yo muna itong tandem nina alyas Cris at Ferdie bago mo i-deny dahil babalandra ito sa inyo. Sa tingin n’yo ba tatahimik na lang ang mga dating nakikinabang diyan sa illegal gambling sa ngayon na wala na sila sa puwesto? Tumpak! Hehehe! Mukhang si De los Reyes na lang ang naniniwala na walang pasugalan sa Makati, lalo na ang terembe, di ba mga kosa? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Wala naman akong away sa good governance na adhikain ni Peña. Ayon kay De los Reyes ang lahat nang iniluklok ni Peña sa puwesto ay bahagi ng pamahalaang local at next-in-line sa kani-kanilang departamento. Di ko alam ito ah? Ibig sabihin kaya ni Delos Reyes ay hindi lang mga konsehal ang dumidistansya kay Peña kundi maging ang mga department heads na loyal din kay Mayor Binay? Ayon pa kay acting PIO, ang pagdawit ng pangalan nina dating Vice Mayor Ernesto Mercado at Atty. Renato Bondal sa liderato ni Peña ay produkto lamang ng imahinasyon ng illan. WMatatalino po ang mga taga lungsod ng Makati at alam nilang maliwanag ang kanilang bukas sa ilalim ng pagtitimon ni Acting Mayor Peña,M ayon pa sa sulat ni de los Reyes. Hehehe! Sana nga!

Kung sabagay, hindi naman ikinaila ni De los Reyes ang putok na balita sa Makati na sina Peña, Mercado at Bondal ay palaging nag-uusap. Sa maikling panahon, hindi pa naramdaman ng taga-Makati kung si Peña na ang hulog ng langit para sa kanila. Umuugong din ang balita na nilalakad ni Mayor Binay ang TRO niya kaya mainit na binabantayan ng taga-Makati ang pagbabalik ng lawin. Abangan!

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

FERDIE

HEHEHE

KUNG

MAKATI

MAYOR BINAY

MGA

PLUSMN

REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with