^

Punto Mo

‘Kadenang papel…’

- Tony Calvento - Pang-masa

ANG pag-ibig na nahinog sa kalburo ay ’di kasing tamis ng hinog sa puno.

“Nabuntis niya ako. Inutusan niya akong ipalaglag pero hindi ako sumunod. Nagpunta ko sa munisipyo… naisip kong kasuhan siya ng ‘rape’,” ayon kay Jenny.

Ito umano ang dahilan kung bakit isang umaga, lumutang na lang si ‘Ferdie’ at namanhikan sa mga magulang ni Jenny. Parehong tubong-Jaen, Nueva Ecija sina Jenny at Ferdie. Taga-South Sto. Tomas, Jaen si Jenny. Laking Bayan ng Jaen naman itong lalaki. Taong 2005, nang ipakilala kay Jenny ng isang kaibigan si Ferdie. Una pa lang, nagustuhan na raw siya nito.

“Nagsimula siyang dumalaw sa bahay. Nagbitbit na siya ng mga pagkain,” pagbabalik- tanaw ni Jenny. Balak ni Ferdie na magtrabaho sa barko nun. Naglalakad na siya ng kanyang mga dokumento nang maging sila ni Ferdie. Tatlong buwan lang, nabuntis agad si Jenny. Agad niya itong binalita kay Ferdie. Hindi akalain ni Jenny na hindi pala umano aakuin ni Ferdie ang bata. “Sabi niya ipalaglag ko, hindi ako pumayag,” ayon kay Jenny. Mula nun, nagtago na itong si Ferdie at ’di na nagpakita sa kanya. Naging desperado si Jenny at naisip niya na kasuhan si Ferdie para panindigan siya. Rape ang gusto niyang idemanda laban dito sa lalaki. Hindi pa raw niya naisasampa ang kaso. Kumalat ang balitang galing siya sa munisipyo para maireklamo si Ferdie.

“Kinabukasan bigla na lang siyang nagpakita sa bahay. Namamanhikan na,” kwento ni Jenny. Alam ni Jenny na napipilitan lang itong si Ferdie subalit tuloy ang kasalan sa Huwes buwan ng Nobyembre parehong taon. Maayos naman ang naging pagsasama nila ni Ferdie. Tumuloy sila sa bahay nito sa Bayan. Nagtrabaho bilang gwardiya si Ferdie. Enero 2006, pinanganak ni Jenny ang kanilang panganay. Nung taong din yun nabuntis ulit si Jenny. Agosto 2007, pitong buwan pa lang ang kanyang tiyan… nanganak na siya. Hindi nabuhay ang sanggol. Sa mga unang taon ng kanilang pagsasama, aminado si Jenny na madalas silang mag-away sa mga simpleng bagay lang.

“Masyado siyang maselan sa pag-aasikaso ko sa anak ko,” pahayag ni Jenny. Maliban  dito, naging sanhi rin ng pagpangit ng kanilang relasyon ang pakikitungo daw ng biyenan niyang si Demetrio sa kanya. Mula’t sapul daw kasi ayaw nila kay Jenny dahil umano hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. Edukado at may kaya sa buhay ang gusto nilang makatuluyan ni Ferdie. Isang araw nalaman na lang ni Jenny mula sa kapitbahay na sasampa na ng barko ang kanyang mister.

“Hindi niya sinasabi sa akin ang mga plano niya sa ibang tao ko pa natutuklasan,” sabi ng misis. Nag-‘training’ sa Batangas si Ferdie. Natagalan bago ito umuwi. Nung huling punta niya sa kanyang mag-ina parang wala na raw itong gana. “Pagbalik niya sa Batangas hindi na siya nagpakita pa. Dala na niya lahat ng gamit niya,” kwento ni Jenny.

Sinubukang kausapin ni Jenny si Ferdie subalit hindi na niya makontak ang mga numero nito. Tuluyan na itong lumayo. Nagtanong siya sa kanyang biyenan subalit wala daw silang alam kung saan na naroon ang anak. Hindi akalain ni Jenny na yun na ang huling pakita sa kanya ng asawa. Hinanap niya ito sa ‘facebook’ at ini-add subalit hindi nito tinanggap ang kanyang request at binlock pa siya. Walong taong ganito ang sitwasyon ni Jenny. Hinihiram ni Demetrio  na kanyang biyenan ang anak nila ni Ferdie subalit hindi na nagpakita pa ang lalaki sa kanya. Hindi rin umano nagsustento kahit minsan si Ferdie. Ang lolo pa raw nito ang nagbibigay sa kanyang apo ng halagang Php1,000-2,000.

“Mula ng mag-aral ang anak ko dun lang nag-abot ang lolo niya minsan wala pa,” ani Jenny. Si Jenny na raw at ang kanyang pamilya ang tumulong sa pagpapalaki sa kanilang anak. Nitong huli, nabalitaan na lang ni Jenny na dati na umanong may dating kinasama ang kanyang asawa sa Cavite.  Katanungan ni Jenny, anong ligal na hakbang ang maari niyang gawin para sa sustento ng kanilang anak. Ito ang dahilan ng pagpunta niya sa amin.

Itinampok namin si Jenny sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ipinagtapat sa amin ni Jenny na napilitan lang ang nangyaring kasalan sa kanila nitong si Ferdie. Kahit ganito ang nangyari hindi dapat madamay ang bata sa problema ng kanyang mga magulang. Pinayuhan namin si Jenny na ipaglaban ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagsampa ng Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) o Violation of R.A 9262  or Violence against Women and their Children sa ilalim ng Child Abuse o  R.A 7610. Minsan pa, pinatunayan na hindi maaring hawakan sa leeg ang isang tao dahil sa isang dokumento na nakuha sa pamamagitan ng takutan.

Hindi solusyon ang kasal para kayo ay magkaroon ng isang wagas at magandang pamumuhay at pag-iibigan.  (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th Floor City State Centre Bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038. Bukas kami mula Lunes-Biyernes.

vuukle comment

FERDIE

JAEN

JENNY

KANYANG

LANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with