^

Punto Mo

Dating U.S. Marine na naputulan ng paa, ngayo’y fitness model na

- Arnel Medina - Pang-masa

HINDI nawalan ng pag-asa si U.S. Marine Lance Cpl. Alex Minsky makaraang masabugan  ng bomba sa Afghanistan habang naka-duty doon bilang Marine. Tinamaan ang kanyang kanang paa at kailangang putulin.

Matindi ang pagsubok na iyon para kay Minsky, 24, pero kaila­ngang magpakatatag. Nakalakad siya sa pamamagitan ng prosthetic leg. Sinimulan niyang bumangon. Nag-training siya sa gym para magpaganda ng katawan. Araw-araw siyang nasa gym. Gusto niyang patunayan na kahit nawala ang kanyang kanang paa, mayroon pa namang natira na dapat alagaan at pagandahin. Hindi nabigo si Minsky sapagkat, nakamit niya ang magandang katawan. Parang nililok ng eskultor ang shape ng kanyang katawan dahil sa araw-araw na pagti-training.

Hanggang sa isang araw na nasa gym, isang lalaki ang lumapit sa kanya at tinanong kung puwede ba siyang maging modelo. Ang lalaki ay ang photographer na si Tom Cullis.

Walang sinayang na pagkakataon si Minsky. Pumayag siyang maging fitness model. Kinunan siya ng mga larawan at makalipas ang isang taon, isa nang sikat na model ang Purple Heart re­cipient. Bumaha sa internet ang mga kuha ng kanyang magandang pangangatawan­.

vuukle comment

ALEX MINSKY

ARAW

BUMAHA

HANGGANG

KINUNAN

MARINE LANCE CPL

MINSKY

PURPLE HEART

TOM CULLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with