^

Punto Mo

Actor sa Peru, pinakasalan ang punongkahoy

- Arnel Medina - Pang-masa

NOONG nakaraang linggo, natunghayan sa column na ito ang mga lalaking nagpakasal sa kambing, aso at pusa at ngayon, may nagpakasal naman sa punongkahoy.

Ang Peruvian actor na si Richard Torres, 33, ay sikat sa kanilang bansa dahil sa husay umarte sa pelikula man o sa entablado. Marami ang humahanga sa kanya. Iniidolo siya nang marami sa Peru.

Pero nang pumutok ang balita na “nagpakasal” na si Torres ay maraming fans ang nadismaya. At lalo nang marami ang napataas ang kilay nang malaman kung sino ang pinakasalan ni Torres. Isang punongkahoy! Ginawa ang seremonya ng kasal sa Buenos Aires, Argentina.

Naka-suot ng white suit at asul na sombrero si Torres. Matapos ang kasal, ipinatong ni Torres ang symbolic offerings sa ilalim ng puno at hinalikan ang katawan nito (punongkahoy).

Ayon kay Torres, pinakasalan niya ang puno dahil sa pagmamahal niya sa environment. Ito raw ang tamang paraan para maipakita ang pagmamahal sa kalikasan. Isang mensahe raw ang kanyang ginawa na dapat ay ingatan at isalba ang Mother Nature.

 

vuukle comment

ANG PERUVIAN

AYON

BUENOS AIRES

GINAWA

INIIDOLO

ISANG

MARAMI

MOTHER NATURE

RICHARD TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with