^

Punto Mo

Lalaki, isinauli ang $800 na ninakaw pagkaraan ng 30 taon!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAKAIBA ang ginawa ng isang lalaki sa Michigan na nagnakaw ng $800 sa isang mini-store noong 1983. Ibinalik niya ang ninakaw na pera, kasama ang interest nito at isang sulat para sa Sheriff’s.

Hindi makapaniwala ang Sheriff nang matanggap ang sulat. Ngayon lamang siya naka-experienced nang ganitong pangyayari na ang isang magnanakaw makalipas ang 30 taon ay ibinabalik ang pera at may interest pa.

Ayon sa Sheriff, ninakaw ng lalaki ang pera sa Middle Mart na nasa north ng Middleville. Nakapaloob sa sulat ang 8 piraso nang malulutong na $100 bills. Kasama rin ang $1,200 bilang inteterest sa perang ninakaw.

Agad namang pinuntahan ng Sheriffs ang may-ari ng store na ninakawan ng lalaki at ibinigay ang pera. Ayon sa may-ari, ibinenta na niya ang store, 25 taon na ang nakalilipas.

Ayon sa Sheriff’s, hindi na nila ipagpapatuloy ang paghabol sa lalaki para panagutin. Sapat na raw ang 30 taon na nabalisa ang lalaki ukol sa kanyang ninakaw.

 

vuukle comment

AYON

IBINALIK

ISANG

KASAMA

LALAKI

MIDDLE MART

MIDDLEVILLE

NAKAPALOOB

NGAYON

SAPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with