^

PSN Showbiz

Coco hindi takot sa banggaan nila ni Vice!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magkakabanggaan ang mga pelikulang Ang Panday ni Coco Martin at The Revengers ni Vice Ganda sa nalalapit na Metro Manila Fim Festival (MMFF) 2017. Matatadaang sina Vice at Coco ang nagkasama sa mga pelikulang The Beauty and the Bestie at The Super Parental Guardians noong mga nakaraang taon.

Bulungun-bulungan ngayon na posibleng magkaroon ng tampuhan sa pagitan ng dalawa. “Hindi ko alam eh. ‘Yon ang desisyon niya eh. Ako gagawin ko ‘to para sa lahat ng mga tao, para sa mga sumusuporta, naniniwala at sumusubaybay sa Ang Probinsyano. Sana ngayong Kapaskuhan mapaligaya ko po ‘yung mga tao,” nakangiting pahayag ni Coco.

Makakasama ng aktor sa bagong pelikula sina Jake Cuenca, Gloria Romero, Joonee Gamboa, Mariel de Leon, ang mga kasamahan din sa Ang Probinsyano na sina Eddie Garcia, Agot Isidro, Jaime Fabregas at ang mga bata sa nasabing serye. Makakasama naman ni Vice sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach sa The Revengers.

Ayon kay Coco ay hindi pa sila nagkakausap ni Vice tungkol sa kanilang mga proyektong magiging magkalaban sa MMFF. “Kung ganoon, magkakasabay kami, hindi ko po alam, mahaba pa po ‘yon. Malalim ‘yon, hindi pa po kami nagkakausap,” giit ni Coco.

McCoy nahihiya ‘pag nakikilala sa simbahan

Nagsimula si McCoy de Leon bilang extra lamang sa teleseryeng Be Careful With My Heart na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ilang taon na ang nakalilipas. Pagkatapos nito ay napabilang na ang baguhang aktor sa Hashtags ng It’s Showtime bago pa napasok sa Pinoy Big Brother (PBB) House kasama ni Nikko Natividad.

Malaki ang pasasalamat ni McCoy kay Marlo Mortel na kabilang din sa nasabing serye. Si Marlo ang nagbigay ng daan kay McCoy upang makapasok sa show business. May breast cancer ngayon ang ina ni Marlo kaya apektado rin daw si McCoy dito. “Lagi kong kinukamusta ‘yung parents niya. May sakit ang mommy niya at apektado rin po ako do’n. Kasi nakakasama ko rin si tita, ‘yung pa­rents niya, at napakabait po talaga nila, promise. Sana po gumaling na, pray lang po nang pray dapat,” pagbabahagi ni McCoy.

“Kung pwede ko lang pasalamatan si Marlo at ‘yung iba pang mga nakatrabaho ko araw-araw, gagawin ko po. Hinding-hindi ko po ‘yon makakalimutan. ‘Yon din palaging itinuturo ng magulang ko, na huwag kong kalilimutan ‘yung mga tumulong sa akin una pa lang,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, aminado si McCoy na natural sa kanya ang pagiging madasalin at maka-Diyos. “Tuwing Linggo po talaga niyayaya ko si mommy, ‘Mommy, simba tayo,’ ginagawa ko po talaga ‘yon. Nahihiya ako kasi may mga nagpapa-picture (sa simbahan) kahit nakayuko na ako, nagtatakip na ako ng bimpo, nagsusombrero na nga po ako para magtago. Kasi nga gusto ko talagang magsimba, pero hindi po naiiwasan na may makakakilala pa rin eh,” nakangiting kwento ni McCoy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with