^

PSN Showbiz

Andi at Matteo ibinalik sa Galema

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ibinalik ng ABS-CBN ang tambalan nina Andi Eigenmann at Matteo Guidicelli sa Galema at sa storycon pa lang, marami na ang excited na muling mapanood ang tambalang una nilang napanood sa Agua Bendita.

Bagay na magkatambal ang dalawa, they compliment each other at kung madali silang naging close nang gawin ang Agua Bendita, walang rason para hindi sila maging mas close this time.

Mikee at Donna naunsyami ang pagbabalik-showbiz

Dapat pala kasama si Mikee Cojuangco sa cast ng Genesis na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Maayos ang pakikipag-usap ng GMA Network sa kampo ni Mikee at more or less, tinanggap nito ang project. Nagka-problema lang sa schedule dahil nagti-training daw si Mikee.

Maganda at malaki sana ang role na ibibigay kay Mikee and from start to finish mapapanood siya.

Nabalitaan din naming may guest role sana si Donna Cruz, pero gaya sa kaso ni Mikee, hindi rin natuloy ang paggi-guest ni Donna. Hindi na namin inalam ang role na gagampanan sana nito at kung sino ang pumalit sa kanyang role.

Kuwento pala sa amin, madugo ang pilot taping ng Genesis na nagsimula sa Baguio, sumegue sa Lingayen, Pangasinan at hindi rin yata doon nagtapos ang eksena. Mabuti na lang at sa September pa ang airing ng sci-fi themed teleserye ng network na papalit sa My Husband’s Lover, kaya may enough time pa sina direk Bb. Joyce Bernal at Mark Reyes na mas pagandahin pa ang teleserye.

Tom never pang na-in love sa bading

Four weeks nang tumatakbo ang My Husband’s Lover, pero hindi pa rin makapaniwala si Tom Rodriguez na tatanggapin ang tambalan nila ni Dennis Trillo.

Pati nga si Mother Lily Monteverde, avid viewer ng hit teleserye ng GMA Network at nakuwento na sinusubaybayan niya ang bawat episode at ‘pag may dinner o meeting siya, kailangang matapos bago ang airing ng teleserye dahil uuwi talaga siya.

Sabi ni Tom, hindi lang pinasigla ng My Husband’s Lover ang career niya, mas na-appreciate niya ang third sex at mas naintindihan niya ang mga ito. Kaya lang, may mag-react kaya sa sinabi nito na hindi pa siya naka-expe­rience ma-in love sa bading kahit noong nasa States siya. Wala raw masyadong bading sa lugar nila sa States o baka hindi lang gumana ang gaydar niya.

May mga love scenes sina Tom at Carla Abellana, kaya ang tanong sa kanya ay kung ano sa palagay niya ang mapi-feel ng BF ni Carla na si Geoff Eigenmann?

“Hindi ko pa nakakatrabaho si Geoff, but I respect him as an actor and Carla’s partner. Professional siya at alam niyang this is all work. I’m happy to be working with Carla and hopefully, makatrabaho ko rin si Geoff. I respect his family, nag-uumapaw sa talent ang Eigenmann family,” ayon kay Tom.

Samantala, kung si direk Dominic Zapata lang ang masusunod, gusto niyang ma-extend ang My Husband’s Lover  dahil marami pa siyang maikukuwento at ganun din ang headwriter nitong si Suzette Doctolero.

Nakuwento ni direk Dom na may ilang friends siyang alam niyang malambot noong college days nila, pero ayaw pabuking. Mula nang umere ang  My Husband’s Lover, nag-text ang mga ito sa kanya para sabihing nag-come out na sila at nagpapasalamat sa My Husband’s Lover.

Noong una, ayaw panoorin ng friends niya ang teleserye dahil close to home, nang mapanood, nakatulong sa healing process nila.

vuukle comment

AGUA BENDITA

ANDI EIGENMANN

CARLA

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

DOMINIC ZAPATA

MY HUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with