^

PSN Palaro

NLEX tuloy sa pananalasa

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
NLEX tuloy sa pananalasa
Muntik pa ma­u­busan ng gasolina ang Road Warriors subalit naka­alpas pa rin sa dulo upang palawigin sa 5-0 ang kanilang unbeaten record sa tuktok ng Group A.
PBA IMAGE

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang arangkada ng NLEX ma­tapos sa­ga­saan ang Converge, 119-107, upang ma­­­panatili ang malinis na kartada sa PBA Season 50 Go­vernors’ Cup ka­hapon sa Smart-Araneta Coliseun.

Muntik pa ma­u­busan ng gasolina ang Road Warriors subalit naka­alpas pa rin sa dulo upang palawigin sa 5-0 ang kanilang unbeaten record sa tuktok ng Group A.

Reigning champion na Talk ‘N Text nalang ang nasa listahan ng NLEX sa Martes para sa kampanya nito sa 1st round upang mapalakas ang tsansa sa Top 4 na siya lang makakapasok sa crossover playoffs kontra sa Group B.

“First of all, I give glory to God for putting me in position to coach this group,” ani bagong NLEX head coach Jimmy Alapag, dating PBA legend bago bumalik sa PBA mula sa NBA kung saan siya nakasama sa Sacramento Kings bilang assistant coach.

Nagtambal sina DeQuan Jones at Schonny Winston sa scoring tampok ang 28 at 24 puntos, ayon sa pagkakasunod, upang trangkuhan ang balanseng atake ng Road Warriors na mainit ang naging simula bago manlamig para sa muntikang silat.

All-around na 19 puntos, 9 rebounds at 10 assists naman ang kinolekta ng ace guard na si Robert Bolick habang may 15 at 14 puntos sina Anthony Semerad at Kevin Alas, ayon sa pagkakasunod.

Sumakay ang NLEX sa 14-3 ratsada upang simulan ang 4th quarter upang kumawala sa Converge na nakatabla sa 88-88 matapos mabugbog sa hanggang 19 puntos.

At wala nang preno-preno para sa Road Warriors mula roon tungo sa 12-puntos na tagumpay bilang magandang pa­kundisyon nila bago hamu­nin ang TNT.

Nadiskaril ang pagba­balik ni Jamaal Franklin sa PBA kapalit ni Jalen Hudson sa kabila  ng 26 puntos sahog pa ang 5 rebounds, 6 assists at 4 steals para sa Converge na sumadsad sa 3-0 kartada matapos ang 3-0 simula.

Nauwi rin sa wala ang 18, 16, 14, 13 at 11 puntos nina Mikey Williams, Justin Arana, Juan Gomez De Liaño, Justine Baltazar at Alec Stockton, ayon sa pagkakasunod, para sa FiberXers ni coach Dennis “Delta” Pineda.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with